ANG GANDA ng takbo ng career ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa dahil kahit last quarter na ng 2022 ay bumubuhos pa rin ang blessings sa kanya.
Just recently, nakamit ni Kylie ang kanyang kauna-unahang best actress award mula sa pelikulang The Housemaid. Siya rin ang ipinakilala bilang pinakabagong Tanduay Calendar Girl nitong Nov. 10.
Nakuha ni Kylie ang kanyang best actress trophy sa Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) sa Dubai.
“Hindi ko ini-expect na ito yung mangyayari sa akin this year. I hope next year — you know they say — na whatever you plant, you reap the fruits of your labors, so I’m hoping for even a better year next year.
“But for this year, I’m so, so grateful. So thank you so much, I’m really so overwhelmed,” masayang pahayag ni Kylie.
Ano ba ang naging impact sa kanya ng nakuhang acting award?
Tugon niya, “Sobrang nakaka-fulfill, nakakataba ng puso. Hindi pa nga siya nagsi-sink in sa akin hanggang ngayon. Hindi pa kasi tuluy-tuloy yung flight, work, dire-diretso kaya hindi pa nagsi-sink-in.
“Parang I’m the same person as who I was before, so hindi pa talaga nagsi-sink in pero super happy ako at grateful ako sa lahat.”
Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Kylie na ka-level na niya bilang calendar girl ng Tanduay sina Heart Evangelista, KC Concepcion at Bea Alonzo.
“It feels surreal to become a Tanduay Calendar Girl, especially if you consider all the strong and beautiful women who came before me like Heart Evangelista, KC Concepcion, and Bea Alonzo. It feels great to be in their company,” pahayag pa ni Kylie.