PALABAS NA sa Vivamax ang Pinoy adapatation ng 2010 South Korean erotic thriller film na ‘The Housemaid‘. Ito ay pinagbibidahan ni 2016 Miss International turned sexy actress na si Kylie Verzosa with award-winning actors Albert Martinez, Alma Moreno, Louise delos Reyes and Jaclyn Jose playing important characters.
Maituturing na isang acting ensemble ang The Housemaid at lahat ng cast members – whether major or suppoert – did their very best sa pagbibigay-pugay sa original version nito, na nanalo ng major awards sa Cannes Film Festival years ago.
Malaking pressure para kay Kylie Verzosa ang pagtanggap at pagganap sa title role na ito dahil hindi maiiwasang ikukumpara siya sa South Korean version. In fairness, malaki ang in-improve ni Kylie pagdating sa pag-arte. Kaya naman pala niya maging isang dramatic actress, eh! Napansin kasi namin na puro pagpapasexy ang ginagawa nitong roles in the past. Well, mas sexy ito, pero justified ang pagka-sexy rito. Bumilib din kami na napapayag ito na magpakita ng kanyang behind at nagpasilipi ng kanyang dibdib. Mas graphic ang original version at considered na ‘tamed’ ang adaptation.
Matutuwa, pero mabibitin ang mga nagnanasa kay Albert Martinez dahil medyo nakulangan kami sa kanyang love scene with Kylie at Louise. Si Louise delos Reyes naman ay magaling, pero parang napakabata ‘yata para gumanap bilang asawa ni Albert. Or is Albert quite old for the role? Anyway, buti na lang at pareho silang magaling na artista at napanindigan naman kahit paano.
Kahit na konti ang mga eksena ni Alma Moreno ay hindi rin naman ito nagpalamon sa mga kasama niya. Nakakainis ang kanyang pagganap bilang mahaderang nanay ni Louise. Iba pa rin ang pagdedeliver ni loveli-ness!
Si Jaclyn Jose talaga ang tumodo rito. Muling pinatunayan ng one and only Cannes Film Festival Best Actress winner ng Pinas na hindi kumukupas ang kanyang galing sa pag-arte. Paborito namin ang kanyang monologue scene at ang pagka-grey ng kanyang character. Hindi mo alam kung kakaawaan mo ba siya o kaiinisan.
All in all, the Philippine adaptation under Direk Romano Perez Jr. is a pleasant one. Naging faithful ito sa original version, pero hindi rin nila kinalimutan na lagyan ng Pinoy flavor. Biggest achievement dito ang pagbantay at paghulma kay Kylie Verzosa bilang isang dramatic actress. Hindi nasayang ang kanyang paghuhubad dito.
Coincidentally, isang Kylie Verzosa film ang ipapalabas bukas – ang Bekis on the Run. Kung hindi niyo pa napapanood ang The Housemaid, ano pa ang hinihintay niyo?!