HALATA sa acting ng GMA Kapuso star na si Kyline Alcantara sa pelikulang Black Lipstick na nahasa ang kanyang pag-arte sa ilang mga nilabasang teleserye sa ABS-CBN when she was still very young. Kitang-kita ito sa effortless na pagganap niya bilang si Ikay at Jessie sa kanyang launching film.
Sabi rin ng ilang nakapanood ng Black Lipstick during the premiere night, “very ABS-CBN” daw ang acting ni Kyline na sinang-ayunan din namin kasi ganun din ang aming obserbasyon.
Very natural ang kilos, galaw at pananalita ni Kyline sa pelikula. Wala kaming nakitang OA moments na kagaya ng ilang “mean girls” in the movie. Pati mata ni Kyline ay alam niya ring gamitin nang maayos.
Pagdating naman sa kanyang leading men na sina Manolo Pedrosa at Migo Adecer, bagama’t parehong merong inconsistency ay pasado naman sila bilang leading man material. Okey mag-deliver ng dialogue si Migo and si Manolo, pang-leading man talaga ang itsura niya sa screen.
Pero honestly, kakailanganin pa ng dalawa ng panahon at masinsinang acting workshops para mas maging reliable actors sila. Lahat naman kapag nag-uumpisa ay nangangapa sa pag-arte but eventually, natututo rin naman sila.
With regards to the whole movie, maayos naman ang pagkakagawa nito. Maganda ang editing at glossy ang texture na para kang nanonood ng isang Star Cinema movie. Maganda rin ang mensaheng gustong iparating ng pelikula lalo na sa mga kabataan na hindi marunong makontento sa kanilang itsura.
Ang Black Lipstick ay produced ng Obra Cinema at showing na simula pa nung Oct. 9. Maramin fans si Kyline na tinatawag na “sunflowers” at sana ay panoorin nila at suportahan pelikula.