OPISYAL NA: Si KZ Tandingan ang napili ng Disney para awitin ang kauna-unahang Filipino OST para sa kanilang upcoming animated movie na ‘Raya and the Last Dragon‘!
Ilang araw din naging pahulaan sa social media kung sino ang masuwerteng Pinay singer na napili para sa napakagandang proyektong ito. May mga nagsasabi na si Sarah Geronimo habang ang iba naman ay bet na si Ylona Garcia ang napili. Wrong pareho dahil si KZ Tandingan ang nag-iisang nanalo sa korona!
Ang kantang ‘Gabay’ ang magsisilbing unang Pinoy song sa catalogue ng Disney OSTs. Ang mga karakter sa ‘Raya and the Last Dragon’ ay inspired sa Southeast Asia setting. Napakaganda ng layunin na ito dahil aminin natin – wala masyadong representation ang Southeast Asia sa animation kahit pa maraming animators behind the scenes ang galing sa region na ito ng Asya.
Masaya si KZ Tandingan sa oportunidad na lumapit sa kanya. Lumaki ito na nanonood ng mga Disney films kaya naman overwhelming para sa kanya na mapili na kantahin ang first-ever Pinoy song na ipo-produce nila.
Ilalabas na music video ng Gabay sa darating na Biyernes, March 5 kasabay ng pagpapalabas ng pelikula sa Disney Plus with Premiere Access. Ang hindi lang namin magets ay kung bakit hindi pa legally available ang Disney Plus dito sa Pilipinas. Sayang naman ang hype kung hindi naman mapapanood lalo pa’t postponed pa ang dapat sana’y pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila.
Sa mga curious, narito na ang trailer ng Raya and the Last Dragon! Rawr!