SUWERTE naman ni LA Santos sa pagkakaroon niya ng very supportive mom sa katauhan ni Tita Flor Santos na nakilala namin ng personal recently during the media launch ng concert ni Ian Veneracion na “Ian in 3 Acts” sa Mesa Restaurant sa Tomas Morato.
Sa pagiging newbie ni LA sa music scene, malayo-layo na rin naman ang narating niya kung ang susukatin natin ay ang exposure niya as a singer.
From guesting recently in a Martin Nievera concert, heto’t sa show naman ni Ian ang next major exposure ng binata.
Sa two shows ng aktor na magaganap sa Waterfront Cebu (April 21) and Resorts World Manila (May 13) ay special guest si LA kung saan he will be performing with Ian in a number bukod sa spot number niya, eh he will showcase his singing and dancing talent.
Sa estado ni LA, masasabing suwerte siya dahil hindi lahat ng baguhan sa music scene ay nabibigyan ng chance na maging performer sa mga shows ng isang Martin and Ian.
Sa short tsikahan naming with LA, we’ve learned that he is still in school sa University of Santo Tomas and will be graduating soon in senior high.
As a singer, hindi maiiwasan na maging hectic ng schedules niya sa mga out of town shows ang guestings pero isa sa mga rules ni Tita Flor na napagkasunduan nila ay huwag nito pabayaan ang kanyang studies.
Kuwento ng binata sa amin: “Though basketball is my passion, love ko rin ang singing. And I know my Mom is happiest sa mga naa-achieve ko now as a singer. Kaya, in return talagang practice and rehearse akong mabuti para hindi mapahiya with the numbers I will be doing with Kuya Ian. Kinakabahan pa rin ako,” sabi ni LA.
Pagmamalaki pa ng binata ang malaking suporta ng pamilya niya kaya: ”Hindi pwede maapektuhan ang studies ko. My Mom and my family is already proud of my achievements but just the same with every project that I do, kailangan mahigitan ko the last project I did.”
Pero watch out for LA’s biggest event in his singing career as he will be launched in #PETMALU, LA’s first major solo concert scheduled on April 30 at the Music Museum.
The concert produced by Joed Seranno na nagdala sa Pilipinas kay Katy Perry recently at kay Celine Dion very soon,
With Tita Flor’s guidance and some showbiz friends, LA won’t go wrong basta magtitiyaga lang talaga siya.
Reyted K
By RK Villacorta