SUNUD-SUNOD ang mga proyekto ngayon ng Singing Idol na si LA Santos. Katatapos nga lang niyang mag-guest sa international veteran singer na si Patti Austin na ginanap sa Waterfront , Cebu noong Febrauary 3 at sa KIA Theater sa Cubao, Q.C. nitong February 4 na pre-Valentine concert ng beteranang Hollywood singer.
Anyway, hindi na bago ito sa Singing Idol. As a matter of fact, bago pa man ang concert ni Patti, naging bahagi ng maraming concerts ang aming anak-anakan na si LA. Kabilang dito ang pagiging front act sa mga world renowned group tulad ng The Stylistics at Air Supply na ginanap sa Solaire Resorts and Casino.
Sa ngayon, mas unti-unti nang nakikilala si LA dahil bilang certified Star Music artist. Excited na rin siya sa paglabas ng debut album niya soon.
“Of course po, it feels very good po na maging Star Music artist ka na po, and very excited po talaga ako, kasi soon naman po, ‘yung launching ng aking first album this end of March po,” bungad ng Singing Idol.
Malaking factor ba ang pagiging Star Music artist? “Opo! Sobra! And I’m very blessed and thankful po dahil sa tiwalang ibinigay nila sa akin! Gano’n din po sa mga taong sumusuporta po sa akin.”
Dagdag pa ni LA, “Masarap po sa feeling, at nakapa-proud din po na magtiwala sila sa akin. Happy rin po ako dahil nakita kong naging happy ang mommy ko at ang mga taong involved dito.”
Ilan sa cuts ng album ni LA ay ang “Mine”, “Ms. Terror”, “One Greatest Love”, at “Break-Up Day”. Kasali rin dito ang “When I Was Your Man” ni Bruno Mars na orchestra ang nag-akompanya kay LA, “Hanggang Kailan” ni Angeline Quinto at “Forever is Not Enough”, ka-duet ang younger sister niyang si Kanishia Santos na isa pang napakahusay rin sa kantahan.
Happy naman ang aming kaibigan na si Joel Mendoza, isa sa mga mentor ni LA at line producer ng album, kay Jonathan Manalo ng Star Music sa dalawang composer-singer na si Garry Cruz at Garth Garcia, at higit sa lahat ang kanyang Mommy Flor at Daddy Ron na walang sawang sumusuporta para sa aming anak-anakan.
Samantala, mark your calender this coming March 21, Tuesday, 8 p.m. at Historia Boutique Bar and Restaurant, 5 Sgt. Esguerra Ave, Diliman, Quezon City. Kasama ni LA sa show sina Garie Concepcion, Tori Garcia, and Altitude.7 band with Erika Mae Salas, Pauline Cueto, Kikay at Mikay, Sarah Ortega, Rayantha Leigh, at Eumir Rader. Mapanonood n’yo rin si LA as special guests sa Kings and Queens of OPM concert this coming April 29, 8 p.m. at Resorts World Manila.