MAS NAG-SLIM ang guwapong si LA Santos since the last time I saw him personally.
That was almost a year ago during a presscon for a show nila ni Ian Veneracion.
Nabawasan ang baby fats ni LA who is graduating this year from high school sa UST. Sa last chikahan namin ng binata, noong hindi pa siya busy sa kanyang singing career, he plays basketball at isa siya sa mga varsity players ng school nila.
“Hindi na po kaya ng schedules ko” kuwento niya sa rason ng pagkahinto niya sa paglalaro ng basketball sa eskwela nila.
In last Wednesday’s blogcon for the promotion of his revival of Imelda Papin’s classic ‘Isang Linggong Pag-ibig’ to be distributed by Star Music, naikuwento ng binata na it was Imelda who offered him to sing the rearranged piece with a Latin beat ng sikat na juke box song during the 80’s.
No less than the original composer na si Mon del Rosario ang gumawa ng bagong areglo for the song na very Enrique Iglesias or Mark Anthony (former husband of Jennifer Lopez) na bagay kay LA lalo pa’t sasabayan niya ang groove ng music at kaseksihan ng dalawang international celebrities.
“When I guested sa show nina Tita Imelda, Tita Eva (Eugenio) and Tita Claire (dela Fuente), doon ko po siya nakilala. She offered me to revive her song. Okey naman. Maganda naman ang plan,” sabi ni LA.
May music video na naka-schedule i-shoot for Isang Linggong Pag-ibig. Sa ngayon naghahanap pa sila ng makaka-partner ni LA sa video na ang requirements, bukod sa maganda na at sexy ay a bit older sa kanya. “Medyo may edad na pero hindi matandang-matanda. Parang Tita ang dating,” kuwento ng singer.
Sa music video, expect a new LA. Mas sexy, may pa-abs na pwede half naked in bed with her “Tita” lover sa gagawin nilang music video na pang-promo na sinuklian lang ng tawa ng binata sa speculation namin.
Reyted K
By RK Villacorta