ANG KANTANG LEAD Me Lord siguro ang isa sa mga ‘di malilimutang kanta ni Laarni Lozada sa kanyang buhay. At bakit nga naman hindi? She was able to impress the panelists, especially Direk Lauren Dyogi, with her heartfelt rendition of the song when she auditioned for Pinoy Dream Academy Season 2.
“Ang gusto kong kantahin talaga noon ay Run To You by Whitney Houston pero noong kaharap ko na si Direk Lauren nabura sa utak ko [ang kanta]. Nanlamig ako. Iniisip ko na siya [Direk Lauren] ang makakapagpatupad ng mga pangarap ko. Lead Me Lord ang nakanta ko. Sa pagkanta ko, bumuhos lahat ng hirap ko, ‘yung mga magulang ko naalala ko. Ramdam na ramdam ko ang kanta ko. Parang nakikipag-usap lang ako kay Lord,” kuwento ni Laarni.
Gaya ng lyrics ng kanta, the Lord’s guiding hand definitely led Laarni, “…Comfort me through all the pain that life may bring. There’s no other hope that I can lean upon. Lead me Lord. Lead me all my life.”
Parang nabunutan ng tinik at naglahong parang bula ang lahat ng mga hirap ni Laarni sa loob ng 13 linggo niyang pamamalagi sa Academy nang siya ay tanghaling PDA Season 2 Grand Star Dreamer noong 2008. Laarni took home P1 million, a house and lot, a water refilling business, and other prizes. Since then, her life made a 360-degree turn. Nagkaroon siya ng self-titled debut album ‘Laarni Lozada’ with her hit single Kung Iniibig Ka Niya, she was one of the guest singers of Maestro Ryan Cayabyab’s album Scholar’s Sing Cayabyab, at ni-revive niya ang awiting ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ na pinasikat noon ni Roselle Nava.
Even as a young kid, Laarni has always been a big dreamer. Wala sa bokabularyo niya ang salitang pagsuko sa kabila ng kanilang kahirapan at naglakas-loob siyang lumuwas ng Maynila para matupad ang kanyang mga pangarap. She even asked the help of an aunt living in the US to pay for her fare and college tuition. She relied on scholarship all through college though as money was not enough to pay for all her university units. Nagtrabaho siya bilang telephone operator sa PWU, choir member, wedding singer at band member.
“Proud talaga ako sa sarili ko. Pero sabi ko nga, marami pa akong gustong gawin. Sabihin na ambisyosa ako, pero marami talaga akong ambisyon. Marami akong gustong ipakita sa ibang tao. Gusto kong kumanta, marinig ng buong mundo, ipakita ang kagalingan ng Panginoon sa talentong ibinigay Niya sa akin. Para maging inspirasyon sa kabataan, ng kapwa Pilipina.”
“I claim it. I can make it happen and it will happen,” is the everyday mantra of this forever positive and determined young artist.
Laarni is now a Backroom artist.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda