LAST JANUARY 20, watch kami ng champion match ng Princess and I Royal Fair: Final Game sa pagitan ng Team Gino ni Daniel Padilla at Team Jao ni Enrique Gil na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena. Kasama sa mga naglaro ang mga sikat na professional basketball player at UAAP cagers na sina Jeric Fortuna ng UST at Jeron Teng ng De La Salle University bilang guest players.
Siyempre, all-out support ang buong cast, present sina Gretchen Barretto, RS Francisco, Khalil Ramos, Albert Martinez at Kathryn Bernardo na nagbigay ng kanyang dance number before the opening of the basketball game. Nandu’n din sina Daddy Rommel Padilla (bilang suporta sa anak niya si Daniel), Dominic Ochoa, Janice de Belen, Malou Santos, Direk Laurenti Dyogi at Olivia Lamasan. Tumayong emcee sina Matteo Guidicelli, Robi Domingo at Melai Cantiveros.
Kahit more than 3 hours waiting before the start of the game, parang wala lang sa fans. Alive pa rin sila, tilian tuwing lalabas on the big screen ang kanilang idolong sina Daniel at Enrique. Hindi sila napapagod sa kaka-emote ng mga banner ng kanilang idolo. Lalo na nang tawagin ang pangalan nina Gino at Jao sa basketball court. Grabe to the max ang hiyawan at tilian ng fans nang lumabas ang dalawa. Pero mas malakas, matindi ang mga fans ni Daniel kaysa kay Enrique. Pagpapatunay lamang na sila na ngayon ang pinaka-hottest young stars of their generation. Ngayon lang muli kami nakasaksi na ganitong katindi ang pag-idolo ng fans sa kanilang paboritong artista.
Sa 1st and 2nd game, lamang ang team ni Enrique pero pagdating sa 3rd final round, humataw ang team ni Gino, nagpakitang-gilas ang mga ito. Sila ang tinanghal na champion sa score na 100 (Team Gino) , 94 (Team Jao). In fairness, sa nasaksihan namin, mas magaling maglaro ng basketball si Enrique kaysa kay Daniel. ‘Yun nga lang, mas sikat si Gino kaysa kay Jao kung hukbo ng tagahanga ang pag-uusapan.
IT WAS a memorable experience ang 67th birthday party ni Madam Cynthia Cole last December 20 at Meanwhile Sing -Along Bar, Balibago, Angeles City. Naging tradisyon ng asawa niyang si Geoff Cole na magbigay siya ng party tuwing sasapit ang special event in her life with close friends, relatives and family. This year, Mexican themed ang naging ambiance ng lugar. Maging ang band na nag-performed ay naka-Mexican outfit, pati songs puro Mexican.
Tunay na nakakaaliw ang gabing ‘yun sa piling ni Mamita. Open bar with matching buffet, ewan ko na lang kung hindi ka mag-i-enjoy. Ikinuwento ni Madam Cynthia na may birthday party rin siya sa Hong Kong bago siya nag-fly to Manila at special guest niya si Mel Tiangco. Years na ring magkaibigan ang dalawa kaya alam ng newscaster ang pinagdaanang hirap sa buhay ni Mamita bago nito narating ang tagumpay na mayroon siya sa ngayon. Kinukumbinsi ni Mel si Tita Cynthia maisadula sa Magpakailanman ang true-to life story ng Dancing Diva.
Nang may biglang may nag-offer na close friend ni Tita Cynthia British na isapelikula ang buhay niya, biglang na-confuse ang dating artista ng LVN Pictures. “Sa totoo lang, naipangako ko na kay Mel ang true-to-life story ko kaya sa kanya ko ito ibibigay. May word of honor ako kaya sa GMA-7 ninyo mapapanood ang istorya ko,” say ni Mamita.
Sa kahilingan na rin ng close friends ni Tita Cynthia, nagbigay ito ng naiibang dance number, to the James Bond’s soundtrack. Wala pa ring kupas tulad ng kanyang idolong si Vilma Santos, always on the go. “Wish ko, dumating ‘yung time na makita at mayakap ko si Gov. Vi. Magiging masaya na ang mundo ko kapag nangyari ‘yun,”aniya. Ganu’n ?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield