NGAYONG MIYERKULES (Sept. 3) ang public viewing para sa mga labi ng magaling na aktor na si Mark Gil na namatay sa edad na 52 dahil sa cancer of the liver.
“The family has now decided to celebrate Ralph’s (Mark’s) life and the man on Wed, Sept 3, starting at 10 a.m. at LA SALLE GREENHILLS Chapel. We invite all, the friends and anyone who wish to join us in honoring him, everyone who loved Ralph is welcome,” laman ng text message ni Cherrie Gil.
Tiyak na dadagsain ang burol ng mga kilalang showbiz personalities. Inaasahan ding darating sa La Salle ang mga nakatrabaho ni Mark tulad nina Maja Salvador, Angel Locsin, Christopher de Leon, Jericho Rosales at iba pa sa huli nitong teleseryeng The Legal Wife sa ABS-CBN.
Naku, huwag naman sanang dagsain ito ng mga usyuserong fans na ang habol lang naman ay makakita ng artista. Pampagulo lang sila ‘pag nagkataon.
Inaabangan din ang pagdating ni Batangas Gov. Vilma Santos sa La Salle Greenhills. Si Mark ang naging leading man ni Vilma sa pelikulang Miss X na kinunan pa sa Amsterdam. Sa pelikula ring ito ini-launch ang career ni Mark bilang cerified leading man.
Habang maraming nagluluksa sa pagpanaw ni Mark ay marami rin namang nagbibigay-pugay sa kahusayan at sa pagiging professional ng aktor sa trabaho. All praises sila kay Mark at nagpapasalamat silang nabigyan ng chance na makatrabaho ang aktor.
Mark will be surely missed.
Ang amin pong taus-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya at mga kaibigang naulila.
La Boka
by Leo Bukas