ASAHAN ANG KAPANA-PANABIK na eksena sa pulitika lalo na sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik ni Senador Panfilo “Ping” Lacson.
Naturalmente, parekoy, pulang-pula ang hasang ng mga supporter ni Ping lalo na ang mga media na malaki ang sampalataya sa dating PNP Chief. Sa panig naman ng mga kaalyado nitong mambabatas, aba’y all smile ang lahat.
Sa kabilang banda naman, tila nabahag ang buntot ng mga kritiko ng dating pugante dahil asahan ang paghihiganti nito sa kanyang biglang paglutang.
Pero kung ating pagkalilimiin, mga parekoy, hindi naman kasi suddenly. Aba, take note, matalino si Ping, planado ang lahat.
Kung inyong babalikan. Mag-a-alas-12:00 ng gabi noong Marso 20 flash report sa isang radio station ang pagbasura ng Court of Appeals sa kanyang 2-counts of murder na noong Marso 18 pa dinesisyunan ni 6th Special Division. Lunes ng umaga, ibinalita sa DZME 1530 kung saan ako may programa at Martes, Marso 22 pa banner sa mga pangunahing pahayagan.
Makaraan nito, kanya-kanya nang payo ang kapwa senador kay Lacson sa paggamit sa nilalaman ng March 18 ruling na dapat daw “immediately” ay lumutang na ang mambabatas at magtrabaho dahil basura na ang kaso, gayundin ang pag-aalis sa warrant of arrest laban sa kanya.
Whew… parekoy, naka-iskor si Lacson sa kampo ni dating Police Colonel Cezar Mancao na hindi sumusunod sa batas si Ping… eh kita n’yo naman, sumunod ito sa kautusan at suddenly… he surfaced!!!
PAGBABALIK NI PING, BAD NEWS KAY MERCI
Kung good news sa kanyang kaalyadong mambabatas ang pagbabalik-Senado ni Ping sa Mayo 9, krusyal naman ito sa panig ni Ombudsman Merceditas Gu-tierrez.
Sinasabing tila si Merci na ang babalikat sa lahat ng umano’y “kasalanan” ng dating admi-nistrasyon, dahil common knowledge naman ng lahat na anti-Arroyo si Lacson habang “bata” naman ng dating Pangulo si Merci.
Alalahanin n’yo, mga parekoy, ang isang kontrobersiyal na kasong NBN-ZTE deal na nagsangkot kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mister nito na si Atty. Mike Arroyo ay si Ping.
Dahil dito, asahan pang nadagdagan ang pro-impeachment senator.
Sinasabing 16 senators lamang ang bumoto ng “yes” tiyak na tuluyan nang mapapaaga ang paglisan ni Merci sa Office of the Ombudsman.
LEN FLORES-SUMERA NAILIBING NA
Naihimlay na ang kasamahan naming broadcaster na si Marlina “Len” Flores-Sumera sa kanyang huling hantungan sa Holy Cross Cemetery sa San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Si Flores-Sumera ay pinaslang noong Marso 23 ng umaga, 100 metro ang layo sa kani-lang tahanan sa Maysilo, Malabon.
Itinuturong motibo ng pagpaslang ang away sa mahigit 4 hectares na lupa na kanyang nais maipamahagi sa mga maralitang taga-Malabon City.
Ang ALARMA at kasamahan namin sa DZME 1530 Ang Radyo Uno ay labis na nagdadalamhati sa brutal na pagpaslang kay Len.
Sa iyo Len, magpahinga ka na at sana’y makamit ng inyong pamilya ang hustisya.
Mapakikinggan ang ALARMA sa DZME 1530 Ang Radyo Uno, 6-7 pm, Lunes-Biyernes. Nasapul ka ba? E-mail: [email protected]; call or text 0915-21221303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303