The Ladies of “Nilalang” – Battle of the Toughies!

Yam-Concepcion-Maria-Ozawa-Meg-ImperialPinoy Action movie fans must be rejoicing dahil this Holiday season, isang action-packed movie full of tough ladies ang kalahok sa yearly Metro Manila Film Festival.
From the beginning ay punung-puno ng controversy ang pelikula. From former AV actress Maria Ozawa’s inclusion to Robin Padilla’s withdrawal from the movie, marami ang nagsasabing baka for promo reasons lang ito at maging waley ang outcome ng movie. Well, you’re wrong.
Nakadalo ang yours truly sa premiere night ng “Nilalang” last December 13, 2015 sa SM Megamall together with invited print and online media writers. Very light ang ambience at halata na very special ang proyektong ito not only for the producers and staff, but also to the cast members na napakaaliwalas ng dating.
Opening scene pa lang ay kabogera na ang pelikulang ito. May mga pagkakataon na napatitili kami dahil napakahusay ng pagkagawa ng mga ‘gruesome’ scenes, dahilan kung bakit ito ay nakatanggap ng R-16 na rating mula sa MTRCB.
Ang Nilalang ay kuwento ng isang NBI agent na nagngangalang Tony (effectively portrayed by Cesar Montano na super hottie pa rin) na determinado sa paglutas ng kaso tungkol sa serye ng pagpatay sa Maynila na iisa lang ang istilo. Lalo itong naging beast mode nang pati ang girlfriend na si Tin (Aubrey Miles) ay walang awang pinatay.
Ito ang nagtulak kay Toni, together with his sexy sidekick Agent Jane (Meg Imperial) na lutasin ang kaso sa pamamagitan ng paghingi ng tulong kay Miyuki (Maria Ozawa), ang astig na anak ni Mr. Kazudo na miyembro ng Yakuza.
Aminin na natin na hindi si Cesar Montano ang magiging main reason kung bakit susugod sa sinehan ang mga kalalakihan – dahil ito kay Maria Ozawa, na isang legendary icon pagdating sa adult cinema. Sa pelikulang ito ay napatunayan ni Maria na hindi lang paghuhubad ang kaya niyang gawin. In fairness, the Japanese star can act at kahit sa fight scenes ay hindi rin siya nagpatalo. You can see that she’s determined to change the people’s perception towards her – and this film was able to bring out the best in her.
Siyempre, hindi rin naman patatalo sina Yam Concepcion at Meg Imperial. Maiksi lang ang exposure ni Yam bilang Akane, ang nakababatang kapatid ni Maria Ozawa. Pasadong-pasado bilang Haponesa ang Kapamilya actress at medyo creepy ang eksenang sumasayaw ito. Si Meg Imperial naman ay isang revelation sa pelikulang ito. Aminado ako na medyo hindi ko magets kung bakit lagi siyang nabibigyan ng movies ng kanyang mother studio noon kahit na medyo ‘nakukulangan’ ako sa kanya. With this film, she managed to pull her character off at talagang astig ang dating ni Agent Jane! Maybe Meg should do more action films rather than what she usually does.
Malaki ang respeto ko sa mga producers ng pelikula dahil talagang pinush nila ang konseptong kanilang pinaniniwalaan. This is a strong feature movie debut for Direk Pedring Lopez. We hope to see them every year sa MMFF, at talagang naglalagablab ang aksyon sa “Nilalang”!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleGabrielle Concepcion Happy and Feeling Blessed Having KC Concepcion as older sister
Next articleMother Lily Monteverde, happy sa box-office result ng “Haunted Mansion”;
Janella Salvador, balik-teleserye sa 2016 katambal si Elmo Magalona

No posts to display