Lady Boss ng Isang Network, Sinira ang Name sa Kalahating Milyong Piso?!

ERRATUM: WHILE TIM Yap thanked yours truly for a write-up in honor of his birthday (January 17), may slight correction ang eventologist/TV host tungkol sa halaga ng kanyang biniling sapatos sa Europe.

Hindi raw ‘yon nagkakahalaga—if converted to our currency—ng P60,000. The Swarovski-studded Louboutin sneak shoes cost him US$2,500. I hope I got my figures right. Baka dahil binili niya ang pares na ‘yon in one of his frequent European trips ay Euro pala ‘yon, hindi US dollars!

“TWITTERING,” LIKE ANY means of venting one’s feelings, is just as constitutional as the right to self-expression. Pero tila inaabuso ng ilan ang latest technological trend na ito.

Sa kasagsagan ng legal battle sa pagitan nina Kris Aquino at James Yap noon over conjugal property settlement (thank God, their fee-lings of animosity towards each other are over), nag-isyu ang korte ng gag order. Strictly no media interviews na kailangang paunlakan ng kapwa partido. But Kris had a way to circumvent the court order, she resorted to tweeting, tweeting and tweeting.

Talk about another showbiz break-up, albeit an unmarried couple, sa pagtu-tweet din inihihinga ni Candy Pangilinan ang kanyang mga sentimyento sa paghihiwalay nila ng director na si GB Sampedro. It’s been two months since their relationship had broken apart, for reasons only known to them.

Private as it should be, pinagpipiyestahan tuloy kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nina Candy at GB, blame it on the comedienne who seems to have found a “crying shoulder” in her Twitter account. Todo-emote si Candy sa kanyang mga tweets, and how ironic, candies are supposedly sweet, neither bitter nor sour!

Tuloy, maiisip mo that there are stars who can be so inconsistent at times. Madalas nilang sabihin, when cornered for an interview, na huwag na lang pag-usapan ang tungkol sa kanilang pribadong buhay, invoking their right to privacy.

Yet, these are the very same stars whose tummies get bloated like flashflood victims for eating their words!

BLIND ITEM: KUNG bad trip ka sa isang lady boss ng isang network, may dahilan. Kung valid naman ang iyong pagkainis sa babaeng ‘yon, all the more that you have a reason.

Kuwento ito ng isang reporter tungkol sa isang babaeng ehekutibo, na sana’y ipinaglihi na lang sa giraffe para kung mahaba ang kanyang leeg ay pumaling naman sa mga gusto siyang batiin. Kaso, namimili lang daw ng reporter ang lady boss.

But by some twist of fate, mukhang ang nagkakandaugat at naninigas na leeg ng hitad ay yumuyuko na, hindi dahil nakikipagkaibigan na siya sa mga reporter na iniisnab-isnab niya noon. Much of it has to do with a reportedly ongoing investigation by the network sa umano’y—I repeat—umano’y katiwalian ng lady boss.

The TV program in question ay pinamahalaan noon ng lady boss. Nasilip umano ng management ang overbudget nito sa damit pa lang ng bida, na umabot sa isang milyong piso in its entire airing. Malaman-laman daw ng network, kalahati lang daw ang halaga ng ginastos sa damit, so where did the half a million pesos go?

Sa ngayon, pinagpapaliwanag ang lady boss sa misdeclaration na ‘yon, ayon pa rin sa aking reporter-source.

“Tuwa ko lang dahil sa nangyayari,” mayabang na sey ng reporter. “What’s half a million these days? Sa halagang  ‘yon,  sinira  niya   ang    pangalan niya? Ngayon siya mang-ismid! Wala siyang ipagmamalaki!”

Pahiram, kaibigang Cristy Fermin, sa mabahong basurahan kaya malapit sa Row 4 pulutin ang lady boss na ito?


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSa kabila ng mga intriga’t pagsubok Relasyong John Lloyd-Shaina, nanatiling matatag
Next articleMagka-loveteam, nakitang nag-check in sa hotel, pero wala daw nangyari?!

No posts to display