Lady Gaga, awiting kakaiba iprinotesta

KAMAKAILAN LAMANG ay mga 200 na mga relihiyosong mga Pinoy ang nagmartsa laban sa ginawang concert ng pamosong “Mother Monster” na si Lady Gaga. Kilala siya sa mga kasuotang kakaiba at mga awiting tila may makabagong mundong istilo sa awitin.

Ayon sa mga nagmartsa ay isang paglapastangan sa Diyos ang awitin niyang “Judas” na tila lumalapastangan sa paniniwalang Kristiyano. Halos may 500 katao ang mga nagprotesta sa pamumuno ni Orlando Cutaran, pinuno ng Christian Professionals Evangelism Fellowship ay nagpahayag ng kanilang saloobin sa AFP. “We are a peace-loving people, our objective is not to make any violence or destruction to get attention. We don’t want to interfere in their business. We are just praying on the sides that the organizers will change their minds. We are just taking a stand against the blasphemous songs and videos of this Lady Gaga. We don’t want young people to be influenced by this.”

Sa kabilang panig ay mai-ngat na pinag-usapan ng producers nito ang safety measures upang maiwasan ang nagbabadyang sigalot tungkol sa konsiyerto ni Lady Gaga na ang mga kanta, ayon sa religious groups ay tila sumasamba sa demonyo. Ang Asst. Vice President ng Mall of Asia, na si Allan Florendo ay nagpahayag na handa sila sa anumang banta ng kaguluhan tungkol sa seguridad. May mga 300 mga nangangalaga ng seguridad na mga pulis at 100 bouncer ang dineploy sa concert nights.

Sa kabila ng mga protesta, ito ay natuloy pa rin sapagkat libu-libong kabataan at fans ang dumalo at nanood ng nasabing konsiyerto. Ito ay itinanghal ng dalawang gabi sa Mall of Asia.

Kamakailan, tinangihan sa Indonesia ang concert tour ni Lady Gaga. Naalala ko tuloy ang Beatles na dating inakusahang mga anti-Christ sa pagpahayag na mas sikat pa sila kay Kristo. Ang kanilang mga plaka na naglalaman ng kanilang mga awitin ay sinira at sinunog sa airport pa lamang.

Ani Lady Gaga, hindi siya naninira ng moralidad ng mga tao at ng pag-iisip. During her concert, si Lady Gaga ay nagpahayag ng “I’m not a creature of your government, Manila” na pagkatapos ay umawit ng Judas.

Sa aking pananaw, maihahalintulad ito sa pagpipinta o pagpopotograpiya ng nude na may malaswang konsepto  na ipinagbabawal at kinokonsiderang pornograpiya na hindi dapat makita o ‘di kaya naman hubad na modelo na nagdudulot naman ng makaartistikong biswal para sa mga alagad ng sining at mga humahanga rito.

Ngunit hindi dapat magiging dahilan ng mga protesters laban man ito sa kanilang konsepto ng moralidad, upang utusan ang isang konsiyerto na hindi maisakatuparan. Maging anuman ang basis ng paniniwala, Kristiyano man o hindi, lalo pa at hiwalay ang ating gobyerno at ang simbahan.

PANG-WORLD CLASS ANG BOSES NI JESSICA SANCHEZ

  

UMARANGKADA ANG ating kababayan na si Jessica Sanchez sa American Idol Season 11 at sa mahigpit na labanan nila ng kanyang katunggali na si Philip Philips, inaabangan naman ito ng buong mundo. Sayang, marami ang nag-akalang makukuha niya ang titulong ito pero may nakapagsabi sa akin na wala pang halos nanalong babae, karamihan ay lalaki. Isa pa, maaari nga raw may racial discrimination issues. Sa bagay, ang ating pambatong 16-year old half-Pinay, half-Mexican ay napatunayan sa buong daigdig na pang-world class na ang boses niya.

Tumatatak na nga ang mga Pinoy sa iba’t ibang larangan. Maging ‘di umanoy si Manny ‘Pacman’ Pacquiao ay todo ang suporta na humabol pa upang tunghayan ang nasabing American Idol Season 11 Finale. Malaki pa ang tatahakin ng batang ito tungo sa tugatog ng tagumpay. Sige lang, hija, malayo pa ang iyong daan sa paglalakbay, malay mo ‘yan ang tamang daan para sa ‘yo.

Ito ang larawan canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail: [email protected].

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleShort trip ni Iya Villania
Next articleHataw kung hataw

No posts to display