Lagi Bang Kailangan Ang Exit Visa?

ANG ASAWA ko po ay matagal nang stranded sa Saudi. Pinanghihinaan na po ako ng loob. Pero kamakailan ay nabalitaan kong walong nanay at labing-isang bata ang nakauwi sa Pilipinas mula sa Riyadh nang walang exit visa. Nagluwag na po ba ang gobyernong Saudi tungkol sa mga distressed worker? — Laverne ng Marikina City

 

TOTOO ANG nabalitaan mo na kamakaila’y nakauwi ang ilang Pinoy OFW mula sa kaharian ng Saudi. Totoo rin ang impormasyon na may konting pagluluwag ang Saudi sa mga distressed OFWs.

Ang distressed OFW ay yaong mga manggagawa na nawalan ng hanapbuhay o lumisan sa kanyang employer o kaya’y undocumented. Hindi basta-basta nakaaalis ang mga ito dahil iniipit ng kanilang mga employer ang kanilang papeles at hindi sila makalabas ng airport.

Ngunit kamakailan, nagluwag ang Immigration ng Saudi at tiket sa eroplano na lang ang kanilang hinihingi para makalabas ang isang distressed OFW.

Ngunit kailangan pa rin ang endorsement ng ating labor attache at tinatanong din ang employer kung meron siyang pagtutol sa repatriation.

Ganito ang pangkaraniwang ginagawa ng ating pamahalaan. Kokontakin muna nito ang ahensiya na nagpabiyahe sa OFW para hingan ito ng tiket. Kung walang maibigay na tiket ang agency, ang OWWA ang mag-aabono para sa tiket ng migrante na nagnanais umuwi. Kung hindi naman documented ang OFW, maaari siyang tulungan ng Migrant Workers Affairs Section ng Department of Foreign Affairs.

Sana ay hindi lang pansamantala ang ganitong pagluluwag ng Saudi. At sana ay maging pormal na itong patakaran ng kaharian para sa mabilis na repatriaton ng mga distressed OFW.

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleZaijian does the ‘batang serious’
Next articleAlden Richards, goodbye na pa-cute na image!

No posts to display