SIPAT: POSISYON sa DEPARTMENT OF TOURISM ang IBIBIGAY ni NOYNOY AQUINO kay BOY ABUNDA?
EKLAT: Naks, SHOWBIZ na SHOWBIZ na ang ADMINISTRASYON ni NOY!
SIPAT: ISAMA pa ni NOYNOY si KRIS AQUINO sa ADMINISTRASYON niya…
EKLAT: MAGBABALIK ang THE BUZZ… sa MALAKANYANG!
SIPAT: Uy, BUMILIB si NOYNOY sa PERFORMANCE ni COCO MARTIN sa INDIE MOVIE na NOY.
EKLAT: PANOORIN rin kaya ni NOY ‘yung MASAHISTA at SERBIS?
SIPAT: UMIYAK si ANDREI FELIX sa HARAPAN ni JENNYLYN MERCADO nang mag-BREAK sila.
EKLAT: E, nu’ng MALAMAN niyang nag-TWO TIME si JEN, MINURA kaya niya?
SIPAT: ‘GUSTO ko lang MAGTRABAHO at MABUHAY,’ sey ni DJ MO TWISTER sa DEMANDA ng GMA-7.
EKLAT: E, sa GUSTO ng KAPUSO na MAGDEMANDA… at KUMITA.
SIPAT: WARNING lang ‘yan ng SIYETE sa IBA pa nilang TALENTS.
EKLAT: Kaya si WILLIE REVILLAME, HINDI UUBRA sa KAPUSO!
SIPAT: Naging SYOTA niya raw si ANGEL LOCSIN, sey ni COGIE DOMINGO.
EKLAT: Uy, NAGBABALIK-SHOWBIZ na TALAGA si COGIE!
SIPAT: IDINENAY ni ANGEL na NAGKAROON sila ng RELASYON ni COGIE.
EKLAT: ‘Ayan, mas LALONG MAPAG-UUSAPAN n’yan si COGIE!
SIPAT: Sey ni COGIE, HINDI raw siya naging DRUG ADDICT. Pero SINUBUKAN niya raw GUMAMIT.
EKLAT: Everybody sing! ‘NAGSIMULA sa PATIKIM-TIKIM…’
SIPAT: PINAG-IINITAN na raw ng MTRCB ang PAPARAZZI at FACE TO FACE ng TV5.
EKLAT: Ayon ‘yan sa PUBLICIST ng DALAWANG TV SHOW.
SIPAT: Sey ni CESAR MONTANO, KAHIT ONE WEEK lang, OKAY sa kanya na mag-HOST ng WOWOWEE.
EKLAT: SAYANG din ‘yon… PAMBAWI sa NAGASTOS niya sa NAKARAANG ELEKSIYON.
SIPAT: LAGING NAKABUNTOT si GAY TALENT MANAGER kay INDIE ACTOR. Kahit SAANG LAKAD, e KASAMA si BADING. TAKOT sigurong MAAGAW pa ng IBANG BADING si INDIE ACTOR, kaya SUPER BAKOD si GAY TALENT MANAGER.
EKLAT: WA na CLUE… NAND’YAN lang siya, ‘no!
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service