NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Isa po akong concerned citizen dito sa Bantayan, Mangaldan, Pangasinan. Pakiaksyunan nga po itong barangay namin dahil iyong barangay hall ay laging sarado at naka-padlock.
- Reklamo ko lang po iyong isang barangay kagawad dito sa Brgy. Aglao sa San Marcelino, Zambales dahil kahit gun ban ay laging may nakasukbit na caliber .45 sa katawan. Talo pa ang pulis.
- Pakitawag naman po ang pansin ng Catanduanes Engineering District dahil 2 years na po kasing napabayaan ang Lourdes Pandan National Road. Ang hirap pong makadaan ang mga sasakyan dahil sa malalaking lubak at malalaking bato na nakausli sa kalsada. Sana po ay maaksyunan.
- Reklamo ko lang po iyong paniningil ng mga gamot sa health center ng barangay San Rafael sa Rodriguez, Rizal.
- Isa po akong taxi driver sa Cebu, gusto ko lang pong ireklamo ang traffic sa Mandaue dahil sa nilagay na lubid sa gitna ng kalsada. Iyon po ang nagdudulot ng sobrang traffic. Mula Mactan Airport papuntang Mandaue ay inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras na nata-trap ka sa traffic.
- Sana ay mabigyan ng pansin ang problema namin dito sa Magga Elementary School sa Candaba, Pampanga. Nanghihingi po ng “voluntary” contribution na P250.00 para sa Kinder at P300.00 para sa Grade 1 to 6. Kapag hindi po nagbigay ay hindi ire-release ang report card.
- Irereklamo ko lang po ang Mallig National High School sa Mallig, Isabela dahil sa pagbebenta ng bingo cards. Hindi nga natuloy ang JS Prom pero pinalitan ng bingo. P25.00 po bawat card.
- Reklamo ko lang po na ginawa pong paradahan at talyer ang aming kalsada. Lahat na ng klase ng repair ginagawa dio sa kalsada namin tulad ng pag-spray ng pintura sa sasakyan at pagkukumpuni. Maingay po kasi at mabaho buong araw. Dito po ito sa Manggahan, Pasig.
- Reklamo ko lang po ang open manhole dito sa may UP Technohub sa Commonwealth north bound going to PhilCoa.
- Dito po sa isang public school sa may Tayud Liloan, Cebu ay bakit kailangang magbayad kami ng P250.00 kada taon?
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo