SA BAYAN ng Calamba sa Laguna isinilang ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal, mukhang sa bayan ding ito ipanganganak ang public outrage sa panunugkulan ni Laguna Governor ER Ejercito.
Kuwento ito tungkol sa isang RN o registered nurse, a resident of Calamba, who has been working as a volunteer without pay. Hangad ng RN na makapasok sa Calamba General Hospital more than landing a job at any hospital in Metro Manila dahil na rin sa kanyang proximal advantage.
Ayon sa kanyang nakausap sa inaaplayang pagamutan, pirma lang daw ni ER ang kailangan as recommendation. Without going into specifics, nakakuha agad ang RN ng isang sulat mula sa isang showbiz celebrity closest to the Laguna governor, a personal handwritten note seeking consideration sa idinudulog ng nars.
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang RN, she showed up at the Kapitolyo at 9 a.m. with that letter that might be of help to her as far as getting assigned at the town’s general hospital was concerned.
Pero hulaan n’yo kung anong oras na pinakiharapan ni ER ang RN? Not an hour or two later, but 12 midnight! Yes, hatinggabi na nang maasikaso ang RN na matiyagang naghintay kay ER nang buong araw — exactly 15 hours — ay naubos sa kaliwa’t kanang meeting that day.
Wala namang problemang mag-antay even if it took all of eternity, pero hindi naman yata okey na sabihin ni ER sa RN na sumama raw muna ito sa mga medical mission sa Laguna sa loob ng apat na buwan bago payagang makapagtrabaho sa ospital sa Calamba.
Sa madaling salita, the RN’s visit to ER’s office was fruitless as it was depressing. Mapalalampas na raw sana ‘yon ng pamilya ng pobreng RN, kaso nagdayalog daw ang taong malapit kay ER to whom the personal letter was addressed. Kesyo mahiyain daw ang RN nang makaharap ni ER.
Unang-una, hindi campaign manager ni ER ang inaaplayan nu’ng RN na kailangang maangas ang dating para ilako ang kanyang ikinakampanya. At ano naman ang diperensiya kung mahiyain o kimi ang RN, eh, iginagalang na gobernador ang kanyang kaharap? Shyness or laidback attitude should not be mistaken for being less qualified for the job.
Sa aminin man o hindi ni ER, isa itong malaking setback sa kanyang panunungkulan, if not in his reelection bid in the 2013 elections. Ang galing-galing niya sa mga non-Laguna residents, pero sa mga kababayan niya ay hindi pala siya maaasahan?
Lip service in public governance? Mukhang dito “registered” ang mister mo, Mayor Maita!
MALA-BEATLES ANG peg ng tarpaulin alongside ng movie poster ng Star Cinema offering na Reunion, na bale ba ay me-rong electric guitar sa poster ng pelikulang tampok sina Enchong Dee, Xian Lim, Enrique Gil at Kean Cipriano.
A male barkada youth movie directed by Frasco Mortiz, Reunion is a give-away in its central plot. After college, in their mid-20s ay nagkaroon ng reunion ang mga batchmates in high school, and this is where the riot begins.
Bukod sa pagsariwa ng kanilang fond memories, dito matutuklasan ng apat na bidang lalaki ang dahilan kung bakit may kakulangan sa kanilang mga buhay. As the four reflect upon their past, napagtanto nila that unless they rectify their mistakes ay hindi sila magtatagumpay sa kanilang mga pangarap.
Ayon kay Direk Frasco (who also directs Banana Split ), genuine friendship and honesty to oneself are two of the many values na maaaring kapulutan ng mga kabataan mula sa pelikulang ito.
Showing this August 15, Reunion also stars Matt Evans, Jessy Mendiola, Megan Young, Julia Montes, Bangs Garcia with special participation of Cristine Reyes as Ara (no malice intended).
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III