Last Monday, December 28, naghain ng Resolution # 2581 si Laguna Rep. Dan Fernandez sa House of Representative na mag-conduct ng masinsinang imbestigasyon sa pag-disqualify ng MMDA-MMFF ng pelikulang “Honor Thy Father”, directed by Erik Matti.
Hindi raw ito pamumulitika, giit ni Rep. Fernandez na sinasabing nag-iingay lang dahil last term na niya as congressman ng Laguna at sa darating na May 2016 ay tatakbo siya for a local seat sa City of Sta. Rosa.
“I want to investigate dahil ang taong bayan, nagtatanong na. I want to be fair sa producers, sa artista, at sa mga taong sumusuporta sa MMFF na ever since ay nalalagay palagi sa kontrobersiya,” sabi niya.
We just hope na mabigyan ng katarungan ang pelikula na personally ay like na like ko.
Sa ngayon, viral ang “Boykot MMFF” campaign na kung hindi mabibigyan ng linaw at hustisya ang pagkatanggal ng “Honor Thy Father” sa Best Picture category, ewan ko na lang kung ano ang kasunod na move ng mga taga-movie industry.
Matagal nang gusto ng mga taga-pelikula na ang isang industry event ay ibalik sa mga taga-pelikula na noon naman ay mga taga-showbiz ang namamahala ng naturang film fesival.
Pahayag nga ni Rep. Dan Fernandez, “Ang MMDA ang dapat ayusin nila, traffic, at itapon nang tama ang mga basura.” ‘Yun na!
Sa mga moviegoers, itong “Honor Thy Father” ay ire-recommend ko na hindi kayo maghihinayang na ipinagpalit sa Big Mac, Large Coke Float, at Large Fries. Promise!
Reyted K
By RK VillaCorta