Lance Raymundo, ni-rape!

AT LAST, MAIPALALABAS na ang first solo movie ni Lance Raymundo ang Fidel (true-to-life story) this coming July at the Cultural Center of the Philippines. Kahit naudlot ang showing nito, worth watching naman dahil mahusay ang mga artistang nagsiganap at matino ang pelikula. Kasama sa cast sina Maria Isabel Lopez, Snooky Serna and Jao Mapa. Ayon sa nagbalita sa amin, mahusay raw ang pagkakadirek ng baguhang direktor.

Maraming anik-anik na kuwento habang ginagawa ng actor/singer ang nasabing indie film – ang pagluka-lukahan ni Snooky, kailangang pakiusapan pa ni Lance para lang mag-shoot; mga madramang eksena ni Elwood Perez kaya pinalitan siya bilang direktor. Mabuti na lang at agad na naayos ni Charlotte Dianca (manager/line producer) ang mga problema sa production. Maganda naman ang kinalabasan ng nasabing pelikula. Kaabang-abang daw ang mga daring scene at rape scene ni Lance dito sa Fidel.

Ipinakita rin ni Lance ang pagiging versatile actor niya sa Pieta as Turko, the enemy of Rigor played by Ryan Agoncillo sa direksiyon ni Toto Natividad. Marami ang nakapansin sa pambihirang galing niya sa pagganap sa nasabing soap. Nagkasunud-sunod agad ang kanyang mga project. “I’m happy, I feel so blessed, ang dami kong project. To think na kailan lang ako talaga nag-concentrate sa acting. Ang nakatutuwa pa, pulos challenging ‘yung role na ibinibigay nila sa akin, kaya sobrang thankful talaga ako,” masayang sabi ni Lance.

Katatapos lang gawin ni Lance ang The Forgotten War with Baron Geisler and Yul Servo sa direksiyon ni Carlo Cruz. Katunayan nga, nag-attend ang buong cast ng premiere night in South Korea last April. Nagkaroon pa ito ng special screening last June 9 at the Cultural Center of the Philippines in time for the Independence Day Celebration.

Naiiba naman ang papel na ginampanan ni Lance sa indie film na Panahon Na. He plays Felipe, the love interest of Irma Adlawan. Nagkaroon ng special screening last June 12 sa Boston. Nasundan agad ng Ang Nerseri (entry to the 2009 Cinemalaya Film Festival). Lance plays Dean, the troubled son of Jacklyn Jose.

Kasalukuyang ginagawa ni Lance ang Sa ‘Yo Pa Rin, a family drama starring Toni Gonzaga, Joem Bascon and Solimon Cruz. Siya si Henry, Joem’s brother-in-law and the womanizer, husband of Ina Feleo. Nand’yan pa ang indie film na Fling, a romantic comedy about following one’s heart and doing everything in the name of love. Mag-bestfriend naman sila dito ni Rafael Rosell.

Palibhasa, pinahahalagahan ni Lance ang kanyang propesyon bilang artista, kaya tuluy-tuloy ang blessings na dumarating sa binata. May determinasyon at may focus sa trabaho kaya paborito siya ng mga direktor. Very positive naman kasi ang outlook sa buhay ng binatang aktor, kaya sigurado kaming abot-kamay niya ang kanyang mga pangarap.

Memorable pala kay Lance ang Motorcycle, one of the finalists in the 2008 Cinema One Originals starring Jason Abalos and directed by Jon Red.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleCelebrity Papas
Next articleRica Peralejo, mala-Claudine at Raymart ang kasal sa Disyembre!

No posts to display