Hindi maitago ng versatile na singer/aktor na si Lance Raymundo ang excitement sa bago niyang pelikula na pinamagatang “Mnemonics”. Ito ang latest na obra ng award-winning direktor na si Elwood Perez at aminado si Lance na kakaibang challenge sa kanya ang project na ito.
“Isa sa pinakakakaibang style ‘yung kay Direk (Elwood)! But it’s a very interesting experience at talagang ninanamnam ko ang bawat shooting day, kasi karangalan ko na mapasali sa isang Elwood Perez film. Challenge na rin sa akin ‘yun as an actor to play Elwood excellently para ang tingin sa akin ng audience ay si Elwood talaga,” pahayag ni Lance.
Nagkuwento rin siya ng ilang experience sa kanilang director dito. “One time, minemorize ko na ‘yung linya ko, tapos pagkadating ko sa set, sabi niya sa akin, ‘Lance magtsa-Chavacano ka.’ Tapos on the spot may isang artista pala na marunong mag-Chavacano, ibinigay sa akin ‘yung script, pero-sabi ko, ‘How long will I memorize?’ Sagot niya, “We’re shooting in five minutes.’ So, ganoon siya eh,” natatawang saad ni Lance.
Dagdag pa niya, “I mean, it’s also good, siguro ganoon din ‘yung tiwala niya sa akin, ‘di ba? And ano naman, nagagawa naman, tapos noong tinitignan namin ‘yung rushes, pati yung Chavacano (dialogues), he is happy. So siguro ano, nasukat niya na ‘yung capability ko at the same time, ako naman, I trusted him, he is Direk Elwood…
“So kahit na as an actor na sasabihin ko, medyo weird itong ginagawa ko ngayon, I have full faith na ‘yung iniisip kong weird ngayon, will end up as part ng masterpiece na binubuo niya.”
Ano ang role mo sa “Mnemonics”?
Sagot niya, “‘Yung character ko ay isang ‘romanticized version’ ni Direk Elwood mismo. I represent him at his prime. Noong una, noong sinabi niya sa akin na ako ang magiging young Elwood, akala ko, ‘yung mga eksena ko ay flashback ng 70’s at 80’s. Tapos, karamihan ng eksena ko ay ‘present day situations’. ‘Yun pala… ako ang visual representation ni Direk Elwood sa sarili niya para sa mga manonood kung paano niya gustong iprisinta ang kanyang sarili. Meaning, kahit na 70 plus na siya, siya pa rin ang Elwood na nakilala, minahal, at nirespeto natin noong dekada ‘80!
“It’s a full length film, not a documentary. It’s a mixture of facts and all the cinematic ideas in Direk’s mind. ‘Eto ‘yung last part ng trilogy, ito ‘yung final installment sa trilogy niya na nagsimula sa ‘Otso’ and then sa ‘Esoterika: Maynila’. So, ‘yung naging lead characters sa ‘Otso’ ‘tsaka ‘Esoterika’, these are reflections ng pagkatao ni Direk. Representation ni Direk sila, so si Direk si Ronnie (Liang), si Direk si Vince (Tañada) in these movies. Tapos ‘etong final nga, parang kumbaga my character ay formation or inilalahat na niya ‘yung buong career daw niya, hindi lang career kundi buhay niya. So, pati personal life niya kasama rito.”
Ano ang masasabi mo kay Direk Elwood as a direktor?
Nakangiting pahayag ni Lance, “Si Direk? Weird, hahaha! But weird is synonymous to genius, hindi ba? And that’s what I like.
“I mean, kaya nga ano ‘di ba, I began my career in mainstream, sa Viva Records ako, eh. I did mga MTV, ganoon. Pero I’m enjoying also working on the indie aspect ng showbiz. Kasi, maraming mga brilliant na weirdoes, ‘di ba? And I end up working with these really intelligent people. And nagkaroon na rin ako ng karangalan na ma-nominate, pati sa ibang bansa. ‘di ba? Na kung ‘di ako dumako rito, ‘di naman ako makaa-abot ng (acting) nomination sa Madrid.
“So I believe in the artistic mind and si Elwood is the epitome of an artistic genius.”