NAG-CELEBRATE SI LANI Mercado ng Mother’s Day sa piling ng kapwa niya Moms sa SM Bacoor last Sunday. Treat niya ito sa mga Nanay – libreng manicure, pedicure, foot spa etc., may gift items pa. Special guest sina Manilyn Reynes, Jacob Riel at Akafellas na naghandog ng kani-kaniyang awitin na lalong nagbigay kasiyahan sa manonood. Na-surprise si Lani sa pagdating ng kanyang mga anak na sina Bryan at Giana Victoria para magbigay ng mensahe sa kanilang ina. Very touching ang eksenang ‘yun nilang mag-iina.
Ayon kay Lani, “Mother’s Day for me is so simple, I just go out with my kids. We have dinner or lunch, ganoon lang kasimple. Kung ano ‘yung ginagawa nila, manicure, pedicure or beauty resume, ‘yun ang treat ko for me or treat ng mga anak ko para sa akin. So, I decided to extend that treat sa mga kababayaan namin dito sa Bacoor. Nakakasama ko kasi ngayon ‘yung team namin sa Moms.
“Iba na kasi kapag 40 ka na, if you look back, ano ba ‘yung na-accomplish mo? Sabi ko, I’m 40, will I still be doing the same thing that I’ve been doing? This is a career shift, ano ba ang gusto niya? Lagi kong tinatanong. ‘Yun lagi ang ipinagdarasal ko, Lord, ano ang gusto mo? Kasi ako, sundalo mo ako bahala ka sa akin kung saan mo ako dalhin.”
Congresswoman nga ba ang posisyong tatakbuhin ni Lani? “Hindi pa naaprubahan ang lone district ng Bacoor, mare-redistrict kasi ang buong lalawigan, from 3 districts, magiging seven ito. Magso-solo ang Bacoor, magsosolo ang Imus at saka ang Dasma, madi-divide ‘yung iba pa. Magiging pito, ‘yung seven districts namin, siyam ang bayan kasi, mahahati-hati. First district magiging dalawa, ‘yung 2nd district magiging dalawa tapos magsasarili ‘yung tatlo so lima na,”paliwanag niyang sagot.
Nai-imagine mo na ba ang sarili mo as a politician?”I always see myself somebody who’s helping. Siyempre, asawa ka ng Vice-Governor nagsimula, extention. Inihahanda ko kung ano man ‘yung susunod, pero masaya na akong maging katuwang ng asawa ko. Ngayon, katuwang na ako ng asawa ko at brother-in-law ko, dalawang papel ‘yung ginagampanan ko.”
Maugong ang balitang nag-number one sa survey ang magkapatid na Brian at Jolo Revilla. Pangarap din ba nilang pumasok sa pulitika in the near future? “Among my children, it’s Jolo who I see in the arena of politics and his very masipag. Katunayan nga, nag-launch kami ng Revilla Cap, project ni Jolo ‘yun. Hindi namin siya inuutusan, magugulat ka na lang, nasa Novaleta, nasa Cavite City. Hindi namin siya niri-require .Inaarbor niya ‘yung ibang okasyong pinupuntahan ko. Actually, tulungan kaming tatlo. Si Brian ga-graduate na sa pag-aaral by 2010 so, we’re giving him that space para tapusin niya ang pag-aaral,” papuring sabi ni Lani sa kanyang mga anak.
Sabi nga, malupit ang intriga sa pulitika kaysa showbiz? “I always keep quiet, hindi ko pa alam. I always kept my cool in a lot of issues, hindi kasi ako palaban. Kahit inaaway na ako, I deal with fights in a lady-like manner, ganoon na lang. I should put it that way, hindi kasi ako confrontational. Kung personal, may mga tao namang nagtatanggol sa akin. Magsasalita lang ako lalo na kung mga mahal ko sa buhay ‘yung inaapakan, lalo na kapag pamilya ko na ang concern,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield