“MAS IBA ang pagkanta ko ngayon. Siguro it comes with the age and experience. Dati single ka, ito ‘yung pag-interpret mo ng song nu’ng dalaga ka. Eh, nagkaasawa ka na, somehow it takes a different meaning. Nagkaanak ka na, meron ka na namang panibagong interpretasyon. Nag-e-evolve ang interpretation kasi ang isang sentence, you can interpret it in so many ways. It depends sa tao, sa pananaw mo.”
That was what Lani Misalucha explained when we asked her kung ano ang nagbago sa kanyang pagkanta lalo pa’t kasama niya sina Gary Valenciano, Martin Nievera at Regine Velasquez sa Ultimate, a Valentine concert at the MOA Arena, February 13 and 14.
Nang matanong namin kung ano ang sa tingin niya ay nagbago ang kanyang interpretasyon sa kanyang kanta, she cited “Tila”.
“Basically ang story ng ‘Tila’ ay kahit na anumang problema mo sa buhay, kahit na ano ang iyong pinagdaanan ay lilipas din ‘yan. Now, somehow maire-relate mo ‘yung pinagdaanan mo na experiences so iyon naman ang bago mong interpretation,” esplika niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas