NAPUNO NI Lani Misalucha ang Manila Hall ng Hotel de Oriente Convention Center sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan noong Sunday. The concert staged in cooperation with Full House Asia Production Studios Inc. was a big hit, punung-puno ang venue.
But do you know na muntik na palang mag-quit si Lani sa showbiz. Nahimasmasan lang si Lani after a conversation with her husband Noli.
“Siguro ganoon nga ang mangyayari sa akin. Sabi nga ng asawa ko, ‘eh, ito ‘yung ibinigay sa ‘yo, ito ‘yung talentong ibinigay sa ‘yo ng Diyos. Siguro hindi pa dapat sa ‘yo (na mag-retire). Siguro ‘yun na nga lang talaga ang gagawin natin, na hangga’t kaya, eh, ‘di kakayanin. Pero ayoko namang dumating sa panahon na (uugod-ugod na ako ay kumakanta pa rin ako),” say niya sa amin.
Pinatunayan ni Lani na siya ang pinaka-versatile sa lahat ng singer by performing a vast repertoire of standards, Broadway, classical pieces, OPM numbers, Latin song. She was awesome in her Ave Maria number, the first song she learned at the age of eight.
“Gusto ko ‘yung ganoon kasi. At least may iba-ibang maririnig ang mga tao sa ‘yo, may iba-iba kang mai-o-offer sa tao. Gusto ko ‘yung ganoon na feeling, alam mo ‘yun, may iba’t ibang kulay at lahat makare-relate.”
Just like her repertoire, nag-offer din ng magandang tanawin ang Las Casas Filipinas de Acuzar na pagmamay-ari ni Architect Jose Rizalino “Jerry” Acuzar. Impressive ang mga Spanish and colonial houses na itrinasfer ni G. Acuzar mula sa Laguna, Pampanga, Ilocos, La Union, Binondo, Quiapo. Bonggacious ang concert venue na may pinaghalong Baroque at Art Deco ang design.
Isang heritage resort, bongga rin ang facilities ng venue at mind-boggling ang collection ni Mr. Acuzar ng century old furnitures, vintage appliances, mga antigong kasangkapan. Nakakaloka ang replica niya ng Escolta buildings.
Truly, mae-enjoy ng mga tao ang Las Casas Filipinas de Acuzar.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas