FIRST MY apologies to Chook, siya po ang publicist ni Zsa Zsa Padilla (and not her PA as I earlier wrote here) na pinagkunan ko ng balita tungkol sa tunay na health condition ni Dolphy.
Courtesy of Chook, ibinalita niya sa amin na nilooban ang bahay nina Tito Dolphy at Zsa Zsa in an exclusive subdivision somewhere in Parañaque City nitong first week lang ng December. This is to correct earlier sketchy reports that the robbery took place at the couple’s condo unit, which is a jogging distance from the crime scene.
Ang siste, only the couple’s helpers were in the house when one of them caught the unidentified suspect ransacking Zsa Zsa’s drawer inside the master’s bedroom. Dahil nagsisigaw ang nagulat na househelp, nataranta ang suspek sabay tumakas, pero natangay na nito ang laptop ng singer-actress who was taping at that time.
Agad ipinaalam ng mga kasambahay ang pangyayari kay Zsa Zsa, na isa sa mga una niyang tinawagan for help was Kris Aquino. Agad daw to the rescue si Kris who immediately requested that uniformed men from the PSG (Presidential Security Group) be dispatched to the couple’s home.
Hanggang ngayon ay napalibutan pa raw ng mga tauhan ng PSG ang tahanan. To secure further safety, sandamakmak na rin daw ang mga in-install na close circuit TV sa buong kabahayan.
Tulad ng karaniwang tanong ng sinumang naninirahan sa isang exclusive village, paanong nakapasok sa loob ang suspek kung saan mahigpit na ipinatutupad ang mga security rules. Sabi ni Chook, “Ako ngang labas-masok na sa subdivision na ‘yon, nahihirapan kasi ‘pag hindi ka ‘yung bisitang ine-expect ng pupuntahan, hindi ka papapasukin.”
Dolphy and Zsa Zsa’s house is situated far from the gate, hindi ito ‘yung bahay na agad bubungad about one of two blocks away from the entrance, kaya of all the residences na madadaanan pa ng suspek ay bakit ‘yung sa kanila pa ang pinasok?
“At walang forced entry, ha? Pero in fairness to Zsa Zsa’s helpers, ni-rule out ang inside job kasi itong mga taong ito, eh, matagal nang naglilingkod sa kanila. Kumbaga, trusted na sila,” sabi ni Chook. Again, the nagging question has yet to be answered: how was the suspect able to enter the premises of a supposedly exclusive village?
BAGAMA’T WALANG kasalanan si Laguna Governor ER Ejercito sa iringan between Mother Lily and Carla Abellana’s manager, in a way ay naiipit ang aktres in what seems like a cul de sac (a situation from which there is no escape).
Ipinamumukha kasi ng lady producer kay Arnold Vegafria that because Carla is a Regal baby ay bawal siyang gumawa ng pelikula outside Regal Films. But Carla is cast as the leading lady of ER in Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, na tulad ng Yesterday, Today, Tomorrow ay kalahok din sa 2011 Metro Manila Film Festival.
In YTT, Carla is — of course — in a smorgasbord movie although she shares stellar billing with Maricel Soriano and Gabby Concepcion bilang ka-love triangle. This makes Carla’s life these days a bit too difficult, lalo’t saang float siya sasakay sa bisperas ng pagsisimula ng festival?
YTT is an all-star cast drama, Carla’s absence if ever on the float might go unnoticed, samantalang mas mapapansin ang kanyang presensiya if she will join the Laguna governor as they coast along the dense crowd of Manila’s major thoroughfares.
NAKATULONG ANG counselling kay Elmer para piliin ang asawang si Lucille of 15 years over his mistress Nene. Dito nagtapos ang kuwento ngayong Biyernes sa Face To Face titled Goodbye Misis Na Nanghampas Ng Tubo… Hello Mistress Na Kung Magmahal ay todo.
Ikinagulat ng komuninad ng Barangay San Nicolas Uno sa Magalang, Pampanga ang rebelasyon ni Elmer na ang nagtulak sa kanya para maghanap ng ibang babae ay dahil hinahampas lang naman siya ng tubo ng kanyang misis. Makaraang mahimasmasan, lumuluhang inamin ni Lucille ang kanyang mga pagkukulang kay Elmer.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III