SA AKING panulat inilalarawan ko rito ang iba’t ibang uri ng karakter ng tao na maaaring makatulong sa pagyabong sa istruktura ng makulay na sining. Nais kong bigyan ng buhay ang makukulay na buhay ng iba’t ibang anyo ng tao sa iba’t ibang propesyon na inaakala kong makadaragdag at makapag-aambag ito ng isang malayang pananaw, upang lumabas sa pagkakulong sa mga tradisyonal na pamamaraan.
Pinaniniwalaan ko rin na habang ang ating daigdig ay patuloy na umiikot sa sarili nitong sirkulo, patuloy na lumiliwanag sa ating pag-iisip at napupuno tayo ng karunungan kahit ito ay walang tamang silid na paglagyan. Sino nga ba ang pipigil dito, walang iba kundi tayo lamang.
Ako ay humahanga at nagbibigay-pugay sa mga taong tumataglay ng sining dahil dito lumilikha sila ng isang komposisyong makaluma at makabagong pamamaran. Binigbigyan nito ng kulay at buhay ang isang larawan na maaaring maging ambag sa istruktura ng sining. Maging ito’y isang pintor, manunulat, musikero, mang-aawit, mananayaw, direktor at mga artista, imbentor, arkitekto, sining medikal, sining negosyo at sining pulitika.
Sa mga makabagong pamamarang pagtuturo sa mga sa alternatibong high-tech gadgets na lalong nagpausbong sa mga kamalayan. Subalit may sining din na maaaring pangsira, ito ang digmaan (art of war). Kaya nga itinuturing ko na ang lahat na bagay na nakikita natin, maging sa ating kamalayan, ito ay ang mga bahagi ng sining dito sa daigdig.
Ano nga ba ang sining sa aking pananaw? Ang sining ay isang pangunahin sangkap upang bigyan ng buhay at larawan ang kasaysayan ng ating buhay.
Dahil ang buhay ay isang gumagalaw na larawan ng sining, dito ito nakapamahay, binhi at ugat ng kamalayan ng bawat nilalang.
Ang sining na ito ang ikalawang replika ng pagkalikha ng pinakamatas na uring lumikha ng lahat ng bagay. Dahil dito ay muli tayong nagkokopya sa larawan ng kasaysayan upang magbigay ng kulay sa ano mang aspeto ng sining.
SINING NG BUHAY
MINSAN NAIISIP ko kung bakit nga ba natin ginugulo ang ating pag-iisip sa bawat araw samantalang wala namang makapipigil dito? Dahil dito, nanatili tayong alipin sa ilalim ng araw na ito. Ngunit wala kang magagawa kundi haraping ang hamon sa ating buhay.
Ang bawat papel natin sa daigdig ay isang ambag upang isulat, isadula, marinig man ito o hindi, mabanggit man ito at mauwi sa wala ang mga nakatakda sa atin. Dahil dito, binibigyan natin ito ng larawan ang mga bawat takbuhin ng ating buhay.
Ano nga ba ang pagkakaiba ng isang mangmang at isang marunong bagamat marami sa antas ng buhay ayon sa napili niyang propesyon? Ngunit iisa lang ang kahahantungan nito, ang lahat ng bagay mawawala, malilimutan, mapapalitan, lilipas, kukupas. Mawawala at muling mabubuhay. Nagsisilbi lamang tayong palamuti sa ilalim nito.
Subalit iisa lamang ang kalakaran ng lahat ng bagay sa daigdig na ito, ang magsama sa ilalim ng araw. Iisa lamang ang dapat nating gawin, ang magpakasaya sa mga tinamasa natin, dahil ang buhay, inaakala man nating mahirap at magaan ay maikli lamang. Gawin nating mas mahalaga ito sa ginto.
Pinaniniwalaan ko rin ang karunungan ay walang silid na mapagsidlan dahil sa lawak nito kulang pa ang ating maikling buhay. Kaya kung hahanapin natin, ito ay nasa tabi at paligid natin lamang.
Sana matutunan din ng tao ang sining ng kapayapaan na siyang kailangan ng tao sa daigdig na ito sa ngayon at igalang ng tao at irespeto ang sining ng daigdig sa pagkalikha nito at pahalagahan na minsan lamang ito maging daigdig ng mga tao.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobial.
E-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia