NAKS, ISANG SIKAT na manedyer at alagang artista ang ating nakapanayam sa backstage ng The Buzz! Kaparazzi pa natin itong si Ogie Diaz kaya naman ‘di ko na pinalusot at kinulit ko talaga. ‘Yun nga, nagkulitan kami kasama ng bongga sa kasikatan ngayong si Petra… este, Vice Ganda. Pasadahan na natin.
Maestro: Ang talent ng isang tao, nand’yan na ‘yan. Ano’ng nararanasan mo bilang manunulat na manager pa, at nag-aartista pa rin, ‘di ba?
Ogie: ‘Pag may pinapasukan ka, hindi naman puwede na hindi ka makaka-encounter ng problema, pressure, tension, stress. Bahagi ‘yan ng pinapasok mo. Kung tatanga ka sa bahay, eh ‘di walang pressure.
INURIRAT PATI LOVELIFE
Maestro: Ikaw bilang si Ogie, ano ikaw bilang normal na tao… ikaw rin ba ‘yan?
Ogie: Oo naman! Ha-ha! Hindi ako abnoy, normal ako, isang tipikal na ama sa apat na anak.
Maestro: Ah, ganoon ba? Eh, sinu-sino ang mga anak mo na ‘yon?
Ogie: (Nangiting sumagot.) Si Ehrie, walong taon; si Gabbie, anim na taon; si Georgina, two years old; ‘yong youngest, 3 months.
Maestro: Kaya ka ba nagsisikap dahil sa kanila? He-he-he!
Ogie: Gusto mo ba silang magutom, siyempre ‘pag may pamilya ka kailangan mong magsikap.
Maestro: Pero sa totoong buhay may asawa ka?
Ogie: Oo! Ha-ha-ha! Naman! Ngayon meron, bukas wala na. Ha-ha-ha! (Hagikhikan ng mga bakla at bading.)
Maestro: Pero anak mo talaga ang mga ‘yon o ampon? (Hagikhikan na naman ng mga bakla at bading pero sa totoo mas masculine sila kaysa femine kaya.
Maestro: Ano… ampon?
Ogie: Hindi ah, mga anak ko talaga ‘yon.
Maestro: Anak mo talaga, sinong naging ina? (Hagalpakan muli ng tawa ang mga bakla.)
Ogie: Kailangan pa bang ilagay ang pangalan ng asawa? Uhm… ilagay mo, si Georgette.
MAKULIT DIN SI VICE GANDA
Maestro: Vice Ganda ah, Vice… paano ka naging Vice?
Vice Ganda: Nag-konsehal po muna. Ha-ha-ha!
Tawanan. He-he! Napasubo ‘ata ako sa mga komedyante, he-he-he!
Maestro: Paano mo natuklasan na kaya mong magpatawa?
Vice Ganda: Hindi ko po na-discover, sila po ang naka-discover. Ha-ha-ha!
Kunwari, seryoso din ako. Ha-ha-ha!
Maestro: Pero paano mo naisip ang magpatawa nang magpatawa? Seryoso ka ba roon o trabaho lang?
Vice Ganda: Trabaho lang po.
Maestro: Kumusta naman ang lovelife mo, babae ba talaga o lalaki?
Vice Ganda: Kabayo po! Ha-ha-ha!
Tawanan ang mga bading at bakla, natatawa rin ako.
Vice Ganda: Hindi, wala po akong lovelife.
Maestro: Ano ngayon ang mga ipo-promote mo.
Vice Ganda: Meron po akong concert sa May 15 sa Araneta Coliseum, meron po akong movie with Judy Ann (Santos) and Sarah Geronimo… Petrang Kabayo.
Maestro: Wow, huh! Loaded. Pero ‘yong pangalang Vice Ganda umaalingawngaw ngayon eh, ‘di ba? Ano ngayon sa paningin mo, sikat ka ba?
Vice Ganda: Hindi ko po alam, kasi hindi naman ako naniniwala na sikat ako.
Mukang seryoso na. He-he-he!
Maestro: Pero, sinasakyan mo na lang?
Vice Ganda: Opo, pero kesa sakyan nila ako, ako na lang ang sumasakay. Ha-ha-ha!
Natatawa rin ako.
Maestro: Marami ang nagsasabi na ikaw ang buhay ng Showtime.
Vice Ganda: Naniniwala po ako na isa lang ako sa buhay ng Showtime, marami po kami.
Mestro: Pa-humble naman, pero sikat na sikat ka na. Ilan kayong magkakapatid?
Vice Ganda: Lima po.
Maestro: Taga-saan ka talaga?
Vice Ganda: Taga-Maynila po. Opo tapos po ako ng college.
Maestro: Uhm…. dati ka nang mahilig sa drama at stage play?
Vice Ganda: Okey lang naman po, hindi ako masyadong mahilig!
Naks! Kuha ninyo, ‘di siya mahilig. Ha-ha!
Vice Ganda: Ikumusta na lang n’yo po ako kay Donna Villa. Ha-ha-ha-ha!
Tawanan. Nadale ako. Sagot ko, hindi ako si Carlo, ako si Maestro Caparejas. Ha-ha! Kasi, napagkakamalan akong si Carlo Caparas. Mukang gusto kong maniwala, sa dami kasi ng nagsasabi. Pati sa Megamall, napapatingin sila sakin. ‘Ayun si Direk!’. Naks! Sabi ko, mas guwapo sa ‘kin ‘yun. Ha-ha-ha! Hawig ba, maka-dobol kaya?
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia