Whoah! Nagpipinta ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-text ang ating friend sa ABS-CBN na si Kathy Solis, nag-i-invite sa isang mall tour para mai-promote ang indie films ng Cinema One. Naks! ‘Di ko matanggihan ang friend ko na ito. Eh, iniisip kong mawawala ang momentum ko sakaling iwan ko ang ginagawa ko. Naks! Hirap akong mag-isip. Paano kaya, ha?
Habang hinahagod ko ang brush, nagpasiya akong itigil na muna at magtimpla ng kape at habang nilalagok ko sa wakas, nakapagpasya na akong pumunta ng banyo at maligo dahil amoy akong pintura. Ha-ha-ha!
SA VENUE NG MALL TOUR
Whoah! Sa upuan, tabi-tabi kami nina Kathy Solis, PR manager ng ABS-CBN, at ni Ronald Arguelles, head ng Cinema One Originals. Naks, huh! Kadamo man ng taong nakabibingi ang sigawan: Enchong! Enchong! Erich! Erich! Nagtitilian sila habang may mga hawak tarp, at lumabas na rin si Erich Gonzales mula sa backstage. ‘Di makamayaw ang mga supporters ng busy’ng-busy na ang mga reporter at mediamen.
KULITAN
Maestro: Pero sa tingin mo sa totoong buhay, ang pinapangarap mo ba ‘yung muka niya? ‘Pag tumititig ka ba sa kanya, siya na nga ba? (Unang Taong ko kay Enchong Dee)
Enchong: Hindi lang mukha, pati katawan. Ha-ha-ha! Ang sexy ‘ata niyan! Ha-ha-ha! Nakita n’yo ba’ng Cosmo pictorial n’ya?
Maestro: Sabagay, sexy nga. He-he! May pagka-painter nga ito, gusto ng model. He-h-he! Pero paano ‘pag hindi naka-bikini, ganu’n?
Enchong: Oo, kasi ‘yung sa Cosmo magazine n’ya, ‘di ba? Ha-ha-ha!
MAESTRO: Sa tingin mo natingin din siya sa ibang babae? (Si Erich naman ang tinanong ko.)
Erich: Ahhhh… kasi nasa kanya naman po ‘yan, eh. Ha-ha-ha!
Maestro: Nagseselos ka rin ba ‘pag nakatingin siya sa ibang babae? Ano’ng masasabi mo?
Erich: Wala na lang akong imik. He-he-he…
ISANG PAINTER AT WRITER
Isang light romantic-comedy ang Paano Ko Sasabihin? Pinagtagpo ang dalawang pipi at bingi na sina Ehryl Librada (Erich Gonzales), isang baguhang writer sa TV29 at Mike (Enchong Dee), assistant painting instructor. Dito umiikot ang istorya nilang dalawa. Si Ehryl ay breadwinner ng pamilya. Mayroon siyang kapatid na bingi at madalas siyang managinip ng isang lalaki na makilala niya sa isang train station. At nakilala niya si Mike na siyang paghihinalaan ni Ehyrl na siyang lalaki sa kanyang panaginip.
Ginanap ang fans day ng April 7, 4 P.M. sa SM North-EDSA Annex, Entertainment Plaza. Ang fans day na ito ay kaugnay ng muling pagpapalabas ng Cinema One Originals movie na Paano Ko Sasabihin? Ipalalabas ito mula April 16 to 22 sa selected SM Cinemas nationwide, kabilang na ang SM Manila, Sta. Mesa, Megamall, Fairview, North-EDSA, Southmall, Bacoor, Clark, Cebu at Davao. Isang light romantic-comedy ang Paano Ko Sasabihin? Sa ganda ng pelikula, nominated si Enchong bilang New Movie Actor of the Year sa 26th PMPC Star Awards for Movies 2010.
Baguhan ang writer-director ngunit ipinakita ni Richard Legaspi ang kanyang galing at talino sa pagkadibuho ng kanyang masterpiece na Paano Ko Sasabihin? Si Legaspi ay graduate ng Asian Film Academy sa Pusan, South Korea. Ipinalabas ang kanyang mga pelikula sa Pusan, Dubai, Pyongyang, Berlin, Vienna, Budapest, at iba pang kilalang film festivals. Ang short film niyang Ambulancia ay nagwagi sa Festival Internazionale del Cortometraggio San Gio sa Verona, Italy. Si Legaspi rin ang unang Filipino filmmaker na naimbitahan sa 32nd Film Festival Weiterstadt sa Germany at kauna-unahang Asian filmmaker na nominado sa Grand OFF European Film Awards sa Warsaw, Poland.
Siyempre sa ilalaim ng taunang CINEMA ONE ORIGINALS Project. At pagmamay-ari ng Creative Programs, Inc. Kasama rin sa pelikula sina Geraldine Tan, Johann Alcantara,Ian Viktor, Mikhail Lawrence, Hirang Zernan Mataya at Sarah Joy Agarin.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia