THE LONG WAIT is over! Pagkatapos ng ilang delays sa pagpapalabas ay masisilip na rin natin ngayong Lunes, October 25 ang bagong family drama na aantig sa ating mga puso tuwing hapon.
Ang ‘Las Hermanas‘ ay pinagbibidahan ng Kapuso homegrown artists na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith Da Silva. Kuwento ito ng tatlong magkakapatid na makikipagsapalaran sa hamon ng buhay.
Ang Manansala sisters ay mula sa well-to-do family. Dahil sa isang trahedya ay mawawala ang kanilang ama na may nakakagulat na sikreto (Leandro Baldemor) at makukulong naman ang kanilang ina (Rita Avila) na kalaunan ay mapapahamak sa loob ng selda.
Yasmien Kurdi plays Dorothy Manansala, ang eldest sister na responsible at strikto. Si Thea Tolentino naman ang middle child na si Minnie habang si Faith Da Silva naman ang youngest sister na spoiled and ambitious.
Dahil sa mga nangyari sa kanilang pamilya, paano haharapin ng magkakapatid ang bukas? Magkakawatak-watak ba sila?
Ang ‘Las Hermanas’ din ang magsisilbing comeback project ni Albert Martinez pagkatapos ng mahigit isang dekada. Siya ay gaganap bilang Lorenzo, ang mapapangasawa ni Scarlet. Siya ba ay kakampi o kaaway?
Kasama rin sa ‘Las Hermanas’ sina Jason Abalos, Jennica Garcia, Lucho Ayala at marami pang iba.
Mapapanood na ang ‘Las Hermanas’ ngayong hapon pagkatapos ng Eat Bulaga. Ito ang papalit sa timeslot na nilisan ng top-rating series na ‘Nagbabagang Luha’.