HINDI MAIKAKAILA na kahit mahusay rin sa pagho-host si Heart Evangelista, lalo na’t alam ng lahat kung gaano ito ka-articulate sa pagsagot sa mga interviews at pagsasalita ng English, may ibubuga rin talaga ang Kapuso star sa pag-arte. Kaya naman muling binigyan ito ng GMA-7 ng bagong seryeng pagbibidahan, ang Magkano Ba Ang Pag-ibig?.
Napag-alaman kasi namin bago tanggapin ni Heart ang nasabing serye, nais daw talaga nito na mag-concentrate na lamang sa pagho-host, gaya ng sa Sunday All Stars tuwing Linggo o kung anumang talk show na io-offer sana rito ng kanyang home network.
Pero sadyang naniniwala malamang ang management ng Siyete sa galing sa pag-arte ni Heart, bukod sa hosting, kung kaya’t isang panibagong serye ang inihain sa kanya.
“Mahal ako ng GMA at talagang inaalagan nila ako, kaya loyal ako sa kanila. Binibigyan nila ako ng choices kung ano’ng project ang gusto kong gawin,” sey ni Heart.
Sa pagiging loyal sa network, si Heart din daw ang dahilan kung bakit nanatiling Kapuso ang malapit na kaibigan nitong si Lovie Poe na dapat sana ay pipirma na ng kontrata noon sa TV5, pero naliwanagan daw ng huli nang magkausap sila ng una.
Sabi nga namin kay Heart, isa s’ya sa mga artista na galing sa isang mayamang pamilya na parang walang malalim na pinagdaanan sa buhay, gaya ng sa pera, maliban lamang sa usapin ng pag-ibig, subalit tila may pinaghuhugutan s’ya ‘pag umaarte.
Suportado si Heart sa kanyang bagong serye ng isa sa kanyang close friend na mahusay ring aktres na si Alessandra de Rossi, gano’n din nina Katrina Halili, Dominic Roco, Isabel Oli, Pen Medina, Shamaine Buencamino, Luz Valdez, Vangie Labalan, Nicky Castro, Mariel Pamintuan, Angelo Ilagan, Celia Rodriguez, at ng dating naka-date nito, ayon sa kanya, na si Sid Lucero.
Sana nga, hindi totoo ang narinig naming tsika na parang ayaw na raw sanang mag-artista pa ni Heart, dahil sayang naman talento nito.
May kinalaman kaya ang boyfriend ni Heart na si Sen. Chiz Escudero sa balitang ito? O baka naman kailangan lang ng aktres ng bakasyon.
Sayang naman kung magkagano’n, dahil ang dinig namin ay tumataginting na P30 million daw ang halaga ng kontrata ni Heart sa GMA-7 sa loob ng isang taon lang!
GOOD NEWS para sa mga taga-suporta ni Richard Yap o mas sikat bilang si Ser Chief ng Be Careful With My Heart, dahil finally, tapos na ang first ever self-titled record album nito under Star Records!
Imbitado ang lahat sa album launch ng pinakasikat ng leading man ngayon on TV sa darating na Linggo, September 22 (2013), sa SM Skydome at 4pm.
Ito rin ay magsisilbing grand fans day ng simpatikong aktor na haharanahin ang lahat ng kanyang supporters, kaya huwag palampasin ang pagkakataong ito!
Don’t Know What To Do, Don’t What To Say (na original song ng namayapa at g’wapo at magaling na mang-aawit na si Ric Sigreto) ang carrier single ni Ser Chief na s’yang theme song sa first movie team-up nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo na She’s The One ng Star Cinema.
Sulit na sulit ang kauna-unahang album ni Richard, dahil may laman itong 11 songs.
Bukod sa actor-singer, be ready to be entertained by other Star Records artists on Sunday afternoon!
Franz 2 U
by Francis Simeon