SA WAKAS, tatapusin na ng GMA-7 ang panghapong teleserye nila na Haplos na pinagbibidahan ng talented ladies na sina Sanya Lopez at Thea Tolentino with Rocco Nacino at Pancho Magno.
Sa totoo lang, nakakasawa nang panoorin ang nasabing programa. Promising naman ito noong una, pero nakakastress panoorin ang awayan nina Angela (Sanya) at Lucille (Thea). Kung ikukumpara sa mga teleseryeng kasabay nito sa panghapong line-up ng Kapuso network, ito ang tunay na nakakastress panoorin.
Kahit na pinapaikot na lang ang kuwento ng Ika-6 na Utos, ito ay entertaining pa rin panoorin. Nakakastress ng slight pero may entertainment value ang pagiging lukaret nina Georgia (Ryza Cenon) at Geneva (Angelika dela Cruz) at laughtrip minsan ang mga ways nila para pigilan ang pagmamahalan nina Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion).
Ang Impostora naman ay nasobrahan sa bilis ng pacing ng kuwento. Okay ito sa first three months, pero in a way ay nagawan nila ito ng paraan para maging entertaining at marahil ay maganda rin ang character development nina Nimfa at Rosette (both played by Kris Bernal). Okay din ang supporting cast nito at may chemistry talaga sina Kris Bernal at Rafael Rosell.
Nakakapanghinayang ang Haplos dahil sina Sanya at Thea ang dalawa sa mga talented actresses ng Kapuso network. Sa Encantadia ay nag-standout ang portrayal ni Sanya bilang Danaya at si Thea naman ay ilang beses na rin naging main kontrabida pero laging beast mode ang kanyang atake at plainly evil lagi ang characters na ibinibigay sa kanya.
Big relief para sa manonood na matatapos na ang programa in two weeks. We just wish na after this ay bigyan naman ng matinong project sina Sanya at Thea.