OLA CHIKKA! NOW Na! Oh, no… oh, yes! Monday na Monday and more chikka na naman tayo rito sa Pinoy Parazzi, haha! Kaloka, ‘di ba?! Kaya don’t make your Monday a blue Monday, lalo na sa aking isusulat.
‘Eto na… akala n’yo, tahimik lang ako at ‘di magko-comment, dahil isang linggo nang pinag-uusapan kung ano ang nangyari sa Wil-ling Willie, at patuloy na binabatikos dahil nga sa mga kagagawan nila sa show.
At ano naman itong pinagsasasabi ni ‘Lucy Fermin’, na nakisawsaw ang mga artistang tulad nina Aiza Seguerra at Lea Salonga? Karapatan naman ni-lang magbigay ng mga opinyon, para maging maganda at manatiling maayos ang kanilang ginagalawan.
Concern lang siguro sila para sa kapakanan ng industry. Lalo na itong si Lea, na minsan lang mag-comment, siguro kung may mali lang talagang nakita ‘yan sa programa ni Willie Revillame.
At take note, ‘Lucy Fermin’, sa sinasabi mong nakikisawsaw ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD, MTRCB at Commission on Human Rights, for your information and guidance, ang mga ito ay talagang nakatutok sa mga maling ginagawa ng katulad ng ipinagtatanggol n’yo.
But take note ulit, para sa kaalaman mo, hindi naman talaga kumilos ang MTRCB sa pangu-nguna ng mabait na anak ni Inday Susan Roces na si Grace Poe-Llamanzares kung walang reklamong natanggap doon sa nakaraang programa nu’ng March 12, na pinagsayaw ang batang contestant na si Jan-Jan ng macho dancing.
Sorry, hindi ako makapag-comment dahil hindi naman talaga ako nanonood ng Willing Willie. Hindi ko rin ibinase sa YouTube na pinanood ko, dahil hindi ko naman naumpisahan. Kaya ipinapaalam ko lang sa mga bayaran ni Willie in print na magsitigil na kayo sa maling pagkampi sa programang Willing Willie.
At nananawagan ako sa mga advertisers na gayahin nila ang statement ng Mang Inasal, na hindi na muna sila mag-a-advertise hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon.
At karapatan ko ang opinyon na ito, na sa 42 years ko na sa showbiz industry, kailangan nang mawala ang envelopmental journalism or mga bayarang writers. Magpakatotoo na kayo. ‘Yun lang!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Maloloka ako sa Earth! Sino na naman itong nakita sa NAIA the other week, na nag-check-in nang naka-tsinelas at naka-shorts lang?
Heto na at lumapit ang isang fan na magpapa-picture at magpapa-autograph. Nang papalapit na ang fan, ikinaskas niya ang kanyang paa sa gilid ng upuan at kinamot-kamot niya ang kanyang paa. ‘Yuck!
Nagtutubig pala ang feet, at mukhang ma-joho, kaya nawalan ng gana na magpa-picture ang fan na lumapit sa kanya, at si-nabing ‘yuck, kadiri… ayoko na sa kanya, mukhang ma-joho kasi ang kanyang paa’.
Sinech itech? Sana makarating ito sa kanya para mag-advice ako na gumamit siya ng Tamanu Skin Aid… Haha! Pampaalis ng bacteria ‘yan, kaya gumamit ka n’yan.
Makinig palagi sa aking programa, kasama ang aking anak na si Lady Camille sa DWSS 149 khz, 11:30-12:00 nn, Mon-Fri. At every Sunday sa DZRH 666 khz, 2:30-3:30 pm. Siyempre, ‘di mawawala ang Pinoy Parazzi Live every Friday sa internet.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding