MISTULANG PINATUTSADAHAN ni Lea Salonga ang media when she tweeted, “Why all the fuss about the SONA red carpet fashions? Shouldn’t our attention be on the SONA itself and only that? #JustSaying”
Tama naman siya. Parang fashion show ang naganap na SONA dahil binigyan ng importansiya ng ilang media organizations ang mga damit ng dumalo. It was as if napakaganda nilang lahat, eh, meron namang mga PANGIT talaga kahit na mamahaling gown ang suot nila. Ang akala nila, by wearing designer clothes ay magmumukha na silang TAO, puwes nagkakamali sila dahil mas nagmukha silang mga unggoy.
Year in, year out ay ang suot ng mga mambabatas ang pinag-uukulan ng pansin sa tuwing may SONA. Pabonggahan ang mga utaw, akala mo naman ay may mga naitulong sa pagsasabatas ng matitinong laws.
The culture of wearing the best during SONA is so sickening that I puke seeing those people who flaunt their extravagant ways by donning the most expensive gowns. Parang it’s a MUST to say who you’re wearing, parang badge of honor na magsuot ka ng mamahaling gown or tuxedo or Barong Tagalog.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas