KUMPIRMADONG WALA NANG makakalaban si Jolo Revilla para sa pagka-barangay chairman sa Manapaan 7 sa Bacoor, Cavite matapos na mag-back-out ang kanyang makakalaban.
Ayon sa source na aming natanggap, hindi pa man nagsisimula ang laban ay kusang “umayaw” na raw ang kalaban ni Jolo. “Sobrang lakas kasi ni Jolo. Imagine naman, senator ang ama at congresswoman ang ina. So, ang pobre, back-out na lang dahil alam niya sigurong magsasayang lang siya ng pagod at panahon,” sabi ng aming kausap.
At dahil walang makakalaban ay hindi na raw mangangampanya si Jolo at sa halip ay maaga nitong pinag-aaralan kung paano pamumunuan ang isang barangay. “Sa totoo lang, feeling ko, mas magiging magaling na public servant si Jolo or malalagpasan niya kung anuman ang naabot ng kanyang mga magulang sa politics. Kasi bata pa iyan, likas na sa kanya ang pagiging matulungin.”
NATATAWA NGAYON NANG LIHIM si Bela Padilla dahil nagtagumpay siya sa “panggagamit” niya kay Marian Rivera. Siya kasi ngayon ang leading lady ni Richard Gutierrez para sa pantaseryeng Captain Barbell.
Humahalakhak abot-lngit ang saya ng kampo ni Bela, dahil kung hindi dahil kay Marian, hanggang ngayon ay mananatiling nameless ang aktres. “Nakuha na ni Bela ang atensiyon ng mga tao kaya ang dapat niyang gawin para magtagal siya sa industriya ay ipakita niyang may talent siya,” sey ng mahadera naming kausap.
Samantala, marami ang nakapapansin na tumataba si Richard at nawawala na ang matinee idol look nito at halos hindi na sila nagkakalayo ng kambal niyang si Raymond Gutierrez, na since birth ay magkamukha naman sila, ‘no! “Si Raymond, okey lang na tumaba dahil cute naman ang katabaan niya at bagay sa status ng kanyang work. Pero si Richard, ‘Sus Maria! Huwag naman, hindi iyon makatutulong sa career niya, malalaos agad siya,” may katarayang sabi ng aming kausap.
Well, well, well… feeling namin ay tumataba talaga si Richard ngayon. Napapansin kaya iyon ni Tita Annabelle Rama?
NGAYONG NASA ENTERTAIN-MENT Live na si Ogie Diaz, tiyak na magkakaroon na ng bagong kulay at buhay ang nasabing programa. Na sa totoo lang – huwag naman sanang magagalit sa amin ang mga kaibigan namin sa E-Live – nang mawala sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga sa nasabing programa ay biglang tsumapter ang show.
Napanood namin ang interview ni Ogie sa TV Patrol matapos na siya ay pumirma ng kontrata sa Dos, natawa kami. Tama siya, dahil dati-rati kapag pumipirma siya ng kontrata sa Channel 2, walang kamerang nakatutok, at least ngayon meron na.
Totoo, dati hindi namin pinapanood ang E-Live, pero ngayong nandidiyan na si Ogie, tututukan namin ito dahil alam naming maraming pasabog ang nasabing show at tiyak na mapapahalakhak kami sa tatlong “K “ ni Ogie (Kalokohan, Kagagahan at Katarantadahan) … ay meron pa pala… Kabaklaan. Tsuk! Ha-ha-ha!
More Luck
by Morly Alinio