HINDI PA rin humuhupa ang Korean fever sa bansa. Ramdam na ramdam talaga ang init ng pagtanggap ng mga Pinoy fans sa mga Korean artists. Pinoys have inarguably dipped their toes in the K-Pop pool. The F4 fever is back dahil kamakailan lang ay nilagnat nang husto ang mga die-hard K-Pop lovers nang dumating sa bansa ang hottest Korean heartthrob na si Lee Min Ho para sa isang clothing endorsement. Dinumog ng fans ang NAIA Terminal 1 upang salubungin ang Korean star.
Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Lee Min Ho? He makes every girl’s heart flutter with his irresistible charm kahit anong papel ang kanyang gampanan. Bata man o matanda ay tiyak na kilala siya bi-lang si Gu Jun-pyo, ang astig na leader ng F4 sa hit Korean drama series na Boys Over Flowers. Siya si Jeon Jin-ho who pretends to be gay in order to become roommates with a girl in the series Perfect Match. Siya rin si Johnny Lee sa City Hunter na gustong paghigantihan ang mga taong pumatay sa kanyang ama.
Sa pagdating sa bansa ni Lee Min Ho ay dala niya ang magandang balita na muli siyang magbabalik sa telebisyon with his new Korean series Great Doctor na tulad ng mga nauna niyang series ay sa ABS-CBN din ipalalabas.
Nagkaroon ng pagkakataon si Toni Gonzaga na ma-interview si Lee Min Ho para sa The Buzz. Sinabi ng aktor na nagpapasalamat siya sa mga fans na dumagsa sa airport para salabungin siya. He learned a few Tagalog words like ‘mabuhay’ and ‘mahal ko kayo’.
He is both an actor and a model pero ano ang mas matimbang para sa kanya? “Siguro kung hindi sa pagiging aktor, hindi ako magiging model. So what I feel very passionate about is really being an actor,” sagot niya in Korean. Sikat na sikat siya sa loob at labas ng Korea. Kahit saan siya magpunta ay pinagkakaguluhan siya ng mga tao. How does he handle fame? “Kaya ako nandito ngayon [is] because I succeeded and because of fame. I am very honored and grateful. At dahil doon, I received so much love from all the fans so nagpapasalamat talaga ako.”
He is a social media magnet having recently been crowned as the “facebook” king for having 5 million followers. “It’s a new experience. I get to talk to 5 million fans over the internet. I am delighted and grateful. Kapag may oras talaga ako, nagre-reply ako sa kanila.” Mahalaga para kay Lee Min Ho ang kanyang fans. Dahil daw sa kanila kung kaya pursigido siyang pagbutihin ang kanyang trabaho. “I am touched that somebody looks up to me.”
Walang dudang maraming babae ang kinikilig sa kanya. May mga kakilala nga akong matiyagang pumila sa Araneta Coliseum para lang makita siya sa kanyang Meet and Greet. Sabi ng kakilala ko ay sulit daw ang kanyang ipinila dahil nakita niya nang personal ang hinahangaang aktor. I’m sure every fangirl would like to be on his leading ladies’ shoes. Ito ang tip para sa mga nangangarap maging reyna sa puso ni Lee Min Ho: gusto raw niya ng masayang kasama at masarap kausap.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda