NAG-APPLY PO ang pinsan ko sa sa Global Care Intl. para makapagtrabaho bilang tutor sa Bahrain. Ngunit pagdating niya roon, ipinasok siya ng employer bilang domestic worker. Nagreklamo siya sa employer at ahensya pero wala pa ring nangyari. Nang i-check namin sa POEA ang pangalan ng ahensya, nakarehistro naman po ito at accredited pa rin ng POEA. Bakit po pinahihintulutang makapag-operate ang ganitong mga ahensya na may mga kaso na? — Digna ng Cainta, Rizal
HINDI KOMO na rehistrado sa POEA ang ahensya ay garantiya na ito na hindi na maaabuso ang OFW. Maraming kababayan natin ang nare-recruit ng mga legal na ahensya pero nagiging biktima sila ng mga illegal na gawain ng ganitong mga ahensya. Nang minsang kapanayamin namin si POEA Administrator Hans Cacdac tungkol sa bagay na ito, aniya’y hindi basta-basta mabakbak sa listahan at website ng POEA ang mga ahensyang ganito dahil kinakailangan pang bistahan ang kanilang mga kaso dahil may “due process” tayo.
Marahil ay napapanahon na para makabuo ng sistema ang POEA para mabigyan ng babala ang mga aplikante na ang inaaplayan nilang ahensya, kahit legal, ay may mga pending na kaso.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo