Legal Assistance and Medical Exam

 

NASABIT PO sa isang kaso ang aking asawa sa Jeddah. Walang-wala po kaming panggastos. May maitutulong po ba ang gobyerno natin sa pagkuha ng abugado? — Lilia ng Bayombong, Nueva Vizcaya

SA ILALIM ng batas, meron tayong Legal Assistance Fund. Ito ay maaaring gamitin bilang pambayad sa dayuhang abogado na nakontrata ng pamahalaan para kumatawan sa OFW na nahaharap sa kaso sa ibang bansa.

Maaari rin itong gamiting pampiyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado o para ipambayad sa korte at iba pang cost of litigation.

Liban pa sa mga gastos sa korte, sagot din nito ang gastos sa biyahe, pamasahe at per diem gayundin ang mga pambayad sa mga gastos sa komunikasyon na may kinalaman sa tulong para sa legal na serbisyo ayon sa karampatang tuntunin at regulasyon.

HINIHINGAN NA ako ng agency ko ng medical. Gastos din po ito. Isasagawa ko na po ba ito? — Dory ng Valenzuela City

REQUIREMENT TALAGA ang medical bago ka makapag-abroad. Anong klase ang gagawing medical? Depende ito sa hinihingi o requirement ng employer. Iba-ibang employer, iba-iba rin ang klase ng hinihinging medical.

Tungkol naman sa clinic o laboratory, ang ahensya ang magsasabi sa iyo kung ano ang mga clinic na puwede mong puntahan. Pero tiyakin mo lang na accredited ng DOH ang nasabing mga clinic.

Sa kaso mo, hindi rin dapat i-require agad ang medical hangga’t hindi ka pa nai-interview at nag-prequalify. At mas mahalaga, huwag kang magpapa-medical hangga’t walang kontrata para sa iyong employment. At ang kontratang ito ay dapat aprubado ng POEA.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].   

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleKC Concepcion does the ‘Umiiwas’
Next articleSALN ni Rep. Tupas at Bagman ni Gen. Decano

No posts to display