AKO PO AY nag-apply sa isang ahensiya para makapagtrabaho sa Dubai. Ang alok po sa aking suweldo ay katumbas ng P45,000.00 bawat buwan. Pero ang sinisingil po sa akin ay P60,000.00 bilang placement fee at para raw sa gagastusin nila sa documentation. Legal po ba ang placement fee na ito?
—Wilma ng Bayawan City
AYON SA BATAS, ang placement fee ay hindi dapat hihigit sa isang buwang sahod mo sa abroad. Malinaw na labis-labis ang placement fee na P60,000.00 sa suweldo mong P45,000.00. Hindi puwede ito.
Pero linawin mo rin kung kasama sa P60,000.00 ang mga pag-process sa iba mo pang dokumento. Legal kasi ang paniningil ng ahensiya para sa iba pang dokumento mo. Narito ang ilan sa mga dokumentong iyan:
1. Pasaporte
2. NBI/police/barangay
clearance
3. Authentication
4. Birth Certificate
5. Medicare o Philhealth
6. Trade test kung kailangan
7. Bakuna kung required sa abroad
8. Gastos sa medika
Tiyakin mo lang kung magkano ang aktwal na nagastos ng ahensiya mo. At lagi kang hihingi ng resibo.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!
Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:
PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)
O kaya’y mag-e-mail sa [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo