NAAALALA KO PA ng itong si Don Robert ‘pag binibitbit ng mga pulis hawak sa magkabi-lang kamay sa eksena ng sitcom na Ober Da Bakod ng Channel 7 noong 90s kasama sina Janno Gibbs at Anjo Yllana.
Ano ang sikreto ng pagiging comedian ni Leo Martinez? ‘Di ba kayo si Congressman Manhik-Manaog, ‘yung may teleponong nakakabit sa dibdib na si Don Robert?
“Uhhhm! Wala namang sikreto d’yan, eh. Ano lang, simpleng buhay lang at saka may ano ko, eh… Siguro, ano talaga namin ‘yun, mga taga-Balayan, Batangas. At siguro ‘dun ko nakuha ‘yung mga LAKAS-TAMA! ‘Di ba ako si Cong. Manhik-Manaog na founder ng Lakas-Tama Party, eh.” Ayon sa ating bida sa teatro, “Isa rin ako sa mga co-founder ng Repertory Philippines.”
Nakilala pa siya hindi lang sa Batangueño accent kundi sa pagiging mahusay sa English accent. Palibhasa isa rin siyang teacher. “Ah, actually bale nag-pelikula ako dahil kay Cirio Santiago. Assistant Director ako, pero panay ‘yung mga co-productions ang mga tinitira namin. ‘Yung mga American films kasi, sabi ko nga English.”
At ayon sa kanya, unang napunta siya ng film and TV sa Channel 5, ‘yung ‘Santa Zita at Mary Rose’, pagkatapos, sa ‘Flor de Luna’. Tapos dinirek ko ‘yung Buddy ‘En Sol.”
At lalo siyang nakilala dahil sa Batangueño accent sa Ober da Bakod na noong naisa-pelikula ay nag no. 1 pa sa magkasunod na Film Festival. Sinundan pa ito ng Onli in the Philippines sa Channel 2. Naging bida na rin kayo?
“Ay oo! Andami, Swindler’s List, Batangenyong Kabitenyo, Indescent Professor, Doctor X at Tanging Yaman, nu’ng bandang huli.”
Sa stage play naman ay mahigit 100 na ang kanyang ginampanan. Siya rin ang kauna-unahang gumawa ng ‘Equus’, kung saan naghubo’t hubad siya. “Ako rin ‘yung Salieri sa Amadeus sa teatro.”
Nang tinanong ko ano ang pagkakaiba ng stage play kaysa telebisyon, “Ah iba ang acting ng sa TV. Ako, nagtuturo ako ng acting sa Film & TV kasi may libro ‘nyan. Sa stage play, dalawang oras kang nandoon, same size. Saka walang camera ‘yun eh, walang cut. Kung ano ang size mo, ‘yun na. ‘Yung sa Film & TV, may close-up, may long shot, eh, wala ‘nun sa teatro.”
Sa ngayon, siya ang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na nagbibigay ng Luna Awards. Eh, bakit tinawag na Luna?
“Ah, Luna, kasi unang-una Kastila ‘yun ng ‘moon’. Luna rin ‘yung ating first national artist natin na si Juan Luna, saka ‘yung trophy namin based dun sa painting ni Juan Luna. Ah ‘yun… ang pumipili katulad naming artista at director, writer, scriptwriter, kagaya nu’ng sa Oscars, hindi ‘yung mga press people na walang naiintindihan.”
Naintindihan ko nga kasi nag-workshop din ako ng Film & TV Productions at naging member din ako ng Screenwriters Guild of the Philippines (SGP), kaya naitanong ko ang Luna Awards dahil isa ako sa naka-attend dito noong 2005 nu’ng radio commentator pa ako ng DZRM.
Ah, bilang Director General ng FAP, tinutulungan din ba kayo ng gobyerno?
“Well, oo. Pero ang liit-liit na kasi ngayon ng kinikita namin sa Metro Manila Film Festival. Du’n lang kami kumukuha ng funds.”
Sa kasalukuyan, napapanood natin si Leo Martinez sa Hapi Together ng TV5 directed by Al Tantay.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia