MARAMI ANG nagtatanong kung sa palagay raw ba natin ay sino talaga ang may kasalanan o pasimuno ng away sa pagitan ni Mon Tulfo at grupo nina Raymart Santiago at Claudine Barretto.
Sa totoo lang po, dahil wala ako sa crime-scene kaya… hindi rin ako mapalagay! Hak, hak, hak!
Pero sa mga taong gumagamit ng utak sa pag-aanalisa sa sitwasyon, madali lang po itong malaman.
Ganito: Kusang-loob na ipinahayag ng ilang ground stewardess ng Cebu Pacific na sila ay pinagmumura o inalipusta nang husto ni Claudine Barretto dahil sa na-offload nilang mga bagahe.
Ang nasabing aktwasyon ay hindi pinabulaanan ni Claudine, kasabay ang pag-depensa na kaya siya nagalit dahil hindi ito ipinaalam sa kanila ng airline company.
Ikalawa, umamin si Mon Tulfo na bilang mamamahayag, nang maagaw ang kanyang pansin sa nasabing komosyon o pagtatalak ni Claudine Barreto ay agad niya itong kinuhanan ng larawan sa pamamagitan ng kanyang cellphone.
Ikatlo, umamin si Raymart na nilapitan niya at sinita si Tulfo hinggil sa nasabing pagkuha ng litrato… at ang kasunod ay hindi na malaman kung sino ang unang nanakit.
Maliban, parekoy, sa bandang huli kung saan ito ay na-upload sa YouTube at kitang-kita kung paano kinuyog si Tulfo.
Sa palagay ninyo, parekoy, si Tulfo ba ang unang nanuntok kay Raymart Santiago at nanadyak kay Claudine Barretto?
Bilang isang mamamahayag na na-fulfill na ang kagustuhan (nakuhanan na niya ng litrato ang nagtatalak) bakit kailangan pang manakit ni Mon Tulfo?
On the other hand, dahil alam ni Raymart kung anong negative effect ang idudulot sa kanyang asawa ng nasabing litrato, kaya lumapit siya, sinita si Tulfo at sa anumang paraan ay kailangang makuha ang nasabing cellphone para masira o mabura ang kinuhang mga litrato.
Ngayon, parekoy, sa palagay ba ninyo hahayaan na lamang ba ni Tulfo na agawin sa kanya ang kanyang personal na pag-aari dahil siya ay natakot o naduro ni Raymart?
Dito na natin masisilip ang simula ng bakbakan na hindi nakuhanan ng CCTV ng airport.
Ang “aggression”, parekoy, ay obligadong magmumula kina Raymart para makuha ‘yung cellphone na naglalaman ng mga litrato nang pagtatalak ni Claudine!
Nang kawalang urbanidad ni Claudine sa harapan mismo ng kanyang maliliit na anak!
And the rest is history!!!
Pero sa totoo lang, may mali rin si Mon Tulfo.
‘Ika nga sa mga eksperto, kung wala kang kumpletong kagamitan para sumagip sa taong nalulunod, lalo na kung sa oras na ‘yan ay hindi ka physically capable ay never kang mag-attempt na lumapit sa isang tao na kasalukuyang nalulunod.
Dahil tiyak na kakapit ito sa iyo, by all means… at all cost… na p’wede mong ikapahamak!
Para sa akin, parekoy, maliwanag na palubog na talaga ang career nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.
Na kung hindi nga lang may inalipusta si Claudine na mga kawawang empleyada ay hindi na talaga worthy ang mag-asawang ito sa pitik ng camera!
Laos na sa totoong termino ng showbiz!
Marami tayong nakausap, parekoy, na nangakong hinding-hindi manonood ng anumang pelikula kung makikita ang mga mukha ng mag-asawang Raymart at Claudine!
Pero kung sabay umano silang mag-eendorso ng isang produkto ay tiyak na tatangkilikin ng taumbayan.
Basta “makatotohanan” nila itong gagawin.
Anong produkto? Lason, parekoy, basta ba eh “makatotohanan” nila itong tutunggain! He, he, he.
Siyanga pala, Raymart, dahil sa ipinakita ninyong pagyurak sa press freedom, bagama’t isa akong “dugyot” na mamamahayag, pero titiyakin kong pagbibigyan kitang hayop ka, anumang oras… kung susubukan mo akong hamunin!!!
Kahit sa loob ng kuwarto ninyong mag-asawa! P’we kayo!
PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME 1530 kHz, AM band, alas 6-7 ng umaga, Lunes-Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction, ipaabot lang sa [email protected] o CP nos. 09098992775/ 09166951891/ 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303