SA WAKAS, certified bida na nga sa isang teleserye ang Kapuso actress na si Arra San Agustin via ‘Madrasta‘, kung saan makakatambal niya si Juancho Trivino at makakabangga naman ang paboritong kontrabida na si Thea Tolentino.
Kung matatandaan ninyo, si Arra dapat ang main ka-loveteam ni Ken Chan sa My Special Tatay. Dapat ay from ‘bestfriends’ to ‘lovers’ ang peg ng dalawa. In the end ay mas nakitaan ng chemistry si Ken with Rita Daniela (na ngayo’y may bagong show na rin na ‘One of the Baes’).
Hindi natin maitatanggi na isa si Arra sa ginu-groom ng Kapuso network to be their next important leading lady. Hindi man ito pinalad na manalo bilang Ultimate Female Survivor sa Starstruck 6 (yes, doon po siya nagsimula!), winner na winner naman ang mga proyektong napunta sa kanya which includes a stint in Bubble Gang, Encantadia (as Kylie Padilla’s replacement) at ang My Special Tatay nga.
Kakapanood ko lang ng trailer ng bagong afternoon series ng Kapuso network at in fairness, very promising! This is a story of a girl named Audrey na lumaki a Taal, Batangas at nangarap na makapag-Canada para sa kanyang pamilya. Unfortunately, peke pala ang mga dokumento niya kaya madedeport ito pabalik ng Pilipinas. Refusing to go home, makikilala niya ang isang doktor na magbabago sa kanyang buhay.
Sa totoo lang, I feel that Arra is too young to play a Madrasta role. On the other hand, maybe this is a good vehicle for her to show her acting skills and prove na she’s more than just a pretty and angelic face.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club