HINDI NATIN PINANGARAP na makisawsaw sa isyu tungkol sa mga artista. Wala tayong panahon sa kanila, parekoy.
Dahil alam kong wala rin silang pakialam sa akin! Ehek!
Ang dahilan, parekoy, kung bakit tayo makikihipo kay Aiko ay ang kanyang problemang kinakaharap… ang Libel case.
Hindi ang isyu kung bakla ba o hindi ang dati niyang ka-dyugdyugan na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Silang dalawa na lamang ang nakakaalam, parekoy, kung hanggang saang papawirin ng paraiso ang kanilang naakyat noong araw. Noong panahong tiyak pa ni Aiko na lalaking-lalaki si Patrick. At sigurado naman si Patrick na kanyang-kanya pa si Aiko!
Ang pag-uusapan natin, parekoy, ay ang tungkol sa kasong libelo na pinagtiyagaang isampa ni Patrick bilang patunay na lalaki siyang tunay!
Ang malicious intent at publication ng nasabing tsismis ay mukhang ayaw makisama kay Meneses. Bakit?
Una, ang means of publication o source na pinagkuhanan ng “corpus delicti” (body of the crime) ay isang uri ng social networking na hinango mula sa “tsismisan” o palitan ng kuro-kuro ng dalawang mahadera.
Hindi tayo kumakampi kay Aiko, pero malinaw, parekoy, na walang intensyon o hakbang na ginawa para ang nasabing topic ng pagi-ging bakla ni Meneses ay ipahayag sa publiko.
Paano mo ngayon idya-justify na nagkaroon ng publication with malicious intent?
Eh, katunayan nga kung magaling at parehas ang researcher, at bibigyang buhay ang tunay na tumbok ng “statutory construction” ang kasong mabubuo ay hindi Libel.
Kundi “Wire-tapping” o invasion of privacy ng mga tao na ang kanilang pribadong usapan ay “pinasok, pinakialaman at hinalungkat” nang wala silang kapahintulutan!
Para naman kay Mayor Patrick Meneses, sa kasong Libelo, kung ikaw ang magsasampa, huwag mong isipin kaagad na makakapagbangon-puri ka kung magsasampa ka ng kaso.
Una, IKAW ang nakakaalam sa sarili mo kung bakla ka o hindi! Dahil hindi kayang pasinungalingan ng libel case at ibangon ang iyong puri kung talagang bakla ka nga!
Pero kahit hindi ka magsampa ng kaso, nakatindig nang maigi, “fully erected” ‘ika nga ang iyong pagkatao at pagkalalaki kung talagang hindi ka bakla.
At mismong si Aiko ang makapagpapatunay na hindi ka bakla! Dapat alam niya ‘yan! At hindi ‘yan alam ng mga abogado, piskal at huwes!
‘Pag ang ex ko ang nagsabing bakla ako… wala akong magagawa, parekoy. Dahil hanggang doon lang ang kaya ko! Hak, hak, hak! Kung gusto niya, ulitin na lang namin! Bwar, har, har!
INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09152121303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303