Librito ni Mang Karing

SA HINOG na 103 edad, tuluyang pumanaw si Mang Karing nakaraang taon. ‘Di ko alam kung cremation o libing sa lupa ang isinagawa ng kanyang kaanak. Alam ko, sa loob ng walong dekada, daang tao ang kanyang dinugtungan ng buhay at pag-asa. Ang kapangyarihan ng kanyang panggagamot ay ‘di galing sa siyensiya. Biyaya ito ng Pinakamataas ng Makapangyarihan. Totoo.

Nu’ng dekada ‘50, si Mang Karing ay isang naghihikahos na mangingisda sa Ilog Parañaque. Malalim at malinis ang ilog pa nu’n, kuta ng mga nagluluksuhang karpa, bangus, kanduli, hipon at dalag. Ngunit kinakapos pa rin siya sa pang araw-araw na pangangailangan. Kapos sa pambuhay na kumportable ng walo niyang supling.

‘Sang gabi ng tag-araw, habang siya’y nagsasagwan ng maliit niyang bangka, kumislap ang animo’y itim na librito na inaagos ng tubig sa kaliwang dako ng ilog. Lalong kumikislap ito ‘pag tinatamaan ng liwanag ng buwan. Magkahalong pangamba at pag-uusisa ang sumaklot sa kanya. Nu’ng pumadpad siya sa pampang, sinalpok ng alon ang librito. Lalong kumislap pa rin. Daglian niyang ‘nilagay sa bulsa at kumaluskos ng uwi.

Ayon sa mga sabi, sa mga pahina ng librito nakatala ang lahat ng orasyon at dahong gamot sa iba’t ibang uri ng sakit. May pinag-uutos. Sampung taon siyang manggagamot nang walang bayad. Pagkaraan ng panahong ito, puwede na siyang maningil ngunit ‘di sa mga dukha at salat.

Lahat ng mga ito ay tinupad ni Mang Karing. Isa na ang aking pamilya ang nabiyayaan ng kanyang panggagamot kasama pa ang daang taong lahat halos ay may terminal na karamdaman. May mga bagay sa mundo na hindi maipaliwanag ng sensiya at iba pang teknolohiya ng karunungan. Sa loob ng sampung taon, saksi ako ni Mang Karing.

Tinupad ng librito ang kanyang pangako. Pagkaraan ng sampung taon, naging mayaman ni Mang Karing. Habang pinagpapatuloy niya ang panggagamot.

Sa Banal na Aklat, maraming pangyayari ng panggagamot ng Mahal na Poong Hesus. Binuhay si Lazarus, nagpaalis ng mga demonyo sa katawan ng mga maysakit, at binuhay ang alipin ng isang Roman Centurion. Napakahiwaga ang itim na librito. Walang nakakaalam kung nasa’n na ito ngayon.

SAMUT-SAMOT

 

FOLLOW THE leader. Si P-Noy ay malinis, walang mantsa ng ano mang uri ng korapsyon. Maaaring inefficient subalit ‘di corrupt. Ngunit ang pagkamalinis niya ay ‘di yata contagious sa ibang opisyal ng pamahalaan. Balita na hanggang ngayon, left and right pa rin ang corruption sa mababa at mataas ng lugar. Mabuti meron tayong super efficient Ombudsman.  Sa San Pablo, Laguna, may isang diumano isang kongresista na ubod ng corrupt. Garapal daw mangomisyon sa CDF projects. Ang ama ng opisyal ay balak pa raw kumandidato bilang alkalde ng lungsod. Nasarapan. Hoy, ‘di mo madadala sa hukay ang ill-gotten wealth. Maniwala ka sa karma.

NAKABAON NA yata ang korapsyon sa buto at laman ng tao. ‘Di lamang sa ‘Pinas laganap ang salot. Kahit mga advance countries ay biktima. ‘Di iilang pangulo o mataas na opisyal ng ating kalapit na bansa ay nakulong dahil sa korapsyon. Truth is, corruption cannot be totally eradicated. It can only be minimized.

ELEVEN KASO ng electoral sabotage ang dapat bunuin ni dating Comelec Chair Ben Abalos. Malamang huling taon ng kanyang buhay ay pagdurusa sa piitan. 77-anyos na siya at napakaraming karamdaman. Kalunos-lunos ang kanyang sinapit. Mahirap magpasilaw sa salapi at kapangyarihan. Walang paltos kapalit ay masamang karma.

LAGI KONG pinakikinggan ang homily ni healing priest, Fernando Suarez. Malaman. Tunay na enlightened at guided ng Holy Spirit. Huli ko siyang nakita sa Christ the King Parish, Quezon City tatlong taon na nakakaraan. Dahil sa kanyang healing power, nakilala ang bansa sa buong mundo. Tuwina ito ang kanyang dinidiin: ‘Di ako ang nagpapagaling sa inyo kundi ang inyong pananampalataya.

ISA SA paborito kong Hollywood actress ay si Kim Novack. ‘Di ko alam kung buhay pa o pumanaw na siya. Si Kim ang starring sa classic movie, “The Picnic”. Katambal si William Holden. A heart-tugging movie about a rich girl about to be married to a rich boy but who fell in love with a bum. The bum is Holden. The setting was a small town in Arkansas.  Unforgettable movie.

IBA ANG uri ng mga pelikula noon. Ngayon puro violence, sex at cheap slapsticks. I also miss the silent movies of Charlie Chaplin.

ANG AGE bar ng public service ay pinataas ni Senate President Juan Ponce Enrile. Biro mo sa edad 88, humahataw pa sa paglilingkod sa bayan. Pambihira. Talas pa ng memory. Very analytical at knowledgeable. Enrile has lived a very fruitful and productive life in the service of our nation.

PINAGDARASAL KO nang taimtim ang mabilis na paggaling ng aking anak na si Therese sa sakit na broncho-asthma. ‘Di naman alarming at very treatable. ‘Yun lang, kailangan niya ang matagal na pahinga sa trabaho. Ganyan ang puso ng ama sa kanyang kaisa-isang anak. Ang maybahay ko ay kasama ko sa dalangin.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleAng Bandila sa Scarborough
Next article‘Di Pa Kasal: Kaninong Apelyido ang Gagamitin?

No posts to display