ESPESYAL NA panayam ang pinagbigyan ni Liezel Martinez sa Paparazzi noong Sabado, kung saan inilahad niya ang kuwento ng kanyang karamdamang kanser na dalawang beses bumalik at sa awa ng Diyos ay totally healed na ngayon. Ayon pa kay Liezel, “Well I had a breast cancer back in 2008 and then nag-recur siya ng 2011. So, now parang kumbaga nu’ng 2011, I had to do what I did back in 2008 all over again. Parang kumbaga, nag-umpisa na naman ako, so ganu’n.”
Pero sa laban daw niya sa Big C, hindi siya na-depress noon, bagkus sinikap niyang lakasan ang kanyang loob para na rin sa kanyang mga mahal sa buhay. “I went through the normal process. You grieve, you question, you get angry. You go through those stages, I think that’s normal. And actually, nu’ng second time, it’s kinda harder for me because parang I already went through the whole process and also already parang moving on and then for it to come back, parang why? Did I do something wrong?”
Hindi kaya dumating talaga sa punto na gusto na niyang sumuko?
Sagot niya, “Oh, yeah! Many, many times, lalo na ‘pag nagki-chemo ka it really, really physically draining… physically painful… ayoko na, talagang… Sabi ko nga kay Albert, you have to drag me… you’ll have to tie me up and drag me to bring me to the hospital, kasi ayoko na, ayoko na talaga. Parang sabi ko nga bahala na, if it works, if it doesn’t work, bahala na ayoko na… But you know when you see your friends, your family, your kids, you know, people who want you to keep fighting, then you just have to keep on fighting, ‘di ba? Wala kang choice.”
Dagdag pa ni Liezel na nagwo-work na rin sa MTRCB as board member, “You start to really appreciate the small, small thing… at saka kung noon ‘yung plans 5 years… 10 years… 15 years from now, now we just really takes thing day by day.”
Sa lahat daw ng kanyang mga napagdaanan, isang stronger Liezel na ang makikita ng publiko sa kanya. “I’m so much stronger now, noon parang shy, ‘di ba? Parang I can say what I want and really express how I feel now, parang hindi na ako mahiyain ngayon.”
May mga regrets kaya siya sa kanyang buhay? “None, I’m so glad I married when I did, I’m glad I had my kids early because looking back now, parang… when I got sick at that time, parang mabuti na lang malaki na sila, ‘yung parang pinroblema ko na lang o inintindi ko na lang ‘yung sarili ko. Hindi ko na sila pinoproblema, sila na ‘yung nag-alaga sa akin.”
May fears pa kaya siya sa ngayon? “Yeah, of course I have fears, I fear it’s coming back again… but you know what? I have been so blessed with my children, their all big now, I’ve been blessed with my life.”
SA PAPARAZZI pa rin noong Sabado, na-interview si Cesar Montano. Inusisa kung totoo nga bang tinanggihan niya ang pagkaka-appoint niya bilang board member ng Optical Media Board. Sagot niya, “When I heard about the news, I texted right away our Executive Secretary Paquito Jojo Ochoa, sabi ko siguro, misunderstanding lang po ‘yan.”
Dagdag pa ni Buboy, “I feel honored and I’m so grateful to our president, P-NOY for considering me, maraming, marami pong salamat! Pero noon pa kinausap ko na… lumapit na sa ‘kin si Ronnie, kinausap ako. ‘Pare baka pwede mo kaming tulungan sa Optical Media Board’. Sabi ko, ‘I hope and wish I have the time, pare, para gawin ‘yan. Pero iisa ang puso natin, kung ano’ng pinaglalaban mo, ‘yun din ang pinaglalaban ko. But it was offered to me before’, sabi ko kay Ronnie, ‘dati rin ng past president, pero ‘yun nga dumudugo ang puso ko na natanggihan natin’, sabi kong ganu’n.”
So bakit kaya niya hindi tinaggap ang posisyon? “Nasa pelikula kasi ako eh, paggawa lang ako ng pelikula, siguro pag-aalaga ng mga filmmakers, kung papaano natin iga-guide ang mga baguhang filmmakers, the artists themselves. But that one? Paghuli ng mga gumagawa niyan (pirata)? Paghabol sa kanila? Pagpuksa sa kanila? It’s not my cup of tea.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato