GOOD NEWS ang nabasa namin kamakailan mula sa social media ng talent manager ni Iza Calzado na si Mr. Noel Ferrer na may kinalaman sa kalusugan ng aktres na naging positibo sa CoVid-19 kamakailan. Narito ang kanyang buong pahayag:
“Dear Family and Friends,
It’s an amazing start of the week as we were just told that Iza can go home tomorrow after completing her IV antibiotics!
Moreover, the good news is – Iza’s retest results came back and she is now negative for CoVid.
We would like to thank each and everyone of you for your prayers, love and support especially the doctors, nurses and all the health workers who continuously risk their lives to serve us all at this time.
Let us continue to pray as Iza continues to heal and support others who are battling with the virus.
Indeed, we pray and heal as one.
To God Be The Glory!” pagtatapos nito ng talent manager ni Iza.
Noong Wednesday, March 25, ay nagpost ng nakakaalarmang update sa social media si Iza nang aminin at kumpirmahin niya na siya ay isinugod sa ospital dahil sa pneumonia at kumuha ng test para sa CoVid-19. Pagkaraan ng isang araw ay naging positibo ang resulta at kumalat pa ang isang supposedly private video na nag-leak kung saan ina-assist ng isang medical frontliner ang aktres habang hirap ito na magsalita.
Ngayong araw ay negatibo na ang re-test kay Iza na ikinatuwa ng kanyang mga family, friends and followers. Nakadagdag na ito sa listahan ng recoveries sa bansa, pero patuloy pa rin ang pagdami at paglobo ng bilang ng mga taong tinatamaan ng Coronavirus. Inaasahan na sa mga darating na araw ay tataas pa ang numero ng mga pasyente dahil usually ay 14 days ang itinatagal bago lumabas ang signs and symptoms. Ang wish lang namin ay sana mag-increase din ang number of recoveries at mas ma-control pa ang paglaganap ng nakamamatay na sakit na ito sa pamamagitan ng community quarantine na in-implement sa ating bansa.
Ipinagdadasal namin ang tuloy-tuloy na recovery ni Iza Calzado, na isa sa pinaka-respetadong aktres sa showbiz.
Huling napanood si Iza sa pelikulang ‘Culion’ noong nakaraang Metro Manila Film Festival at sa ‘Noon at Kailanman’ naman last year sa ABS-CBN. Nakatakda na dapat na magbalik-teleserye ang aktres sa bagong afternoon series na ‘Ang Iyo Ay Akin’ kasama sina Maricel Soriano, Sam Milby at Jodi Sta. Maria.
Muli, we are praying for your fast and full recovery, Iza!