HINDI MAN nakarating sa grand reception night for the National Film Festival 2013 at the SM MOA Atrium sina Direk Chito Roño (“Badil”), at Peque Gallaga (“Sonata”), naging matagumpay naman ang nasabing event. Ang magkapatid na sina Gelli de Belen at Janice de Belen ang tumayong host ng gabing ‘yun.
Bago ipakilala nina Gelli at Janice ang sampung master directors on stage kasama ang kani-kanilang cast, ipinakita muna ang trailer ng mga pelikula nina Maryo J. de los Reyes (“Bamboo Flowers”), Mel Chionglo (“Lauriana”), Joel Lamangan (“Lihis”), Elwood Perez (“Otso”), Gil Portes (“Ang Tag-ulan ni Twinkle”), at Romy Suzara (“Tinik”).
Pasok din ang obra ng yumaong Celso Ad. Castillo na “Bahay Ng Lagim” sa all masters editon. Ito ang first indie film ng batikang director bago siya pumanaw.
Ang National Film Festival All Masters Edition ay magsisimula on September 11-17 exclusively at SM cinema nationwide sa tulong ng Sineng Pambansa, Briccio G. Santos, Chairman, Film Development Council of the Philippine. Para lalong maging matagumpay ang NFF, ibinaba ng SM to P100 ang bayad sa mga sinehan.
Nagbigay-ningning din sa NFF 2013 nang awitin ni Dulce kasama ang apat na tenor ang theme song ng pelikula ng sampung master directors habang ipinapakita on the big screen ang kanilang mga signature film in the past na tumatak sa isipan ng manonood.
Puros classic films ni Ms. Nora Aunor ang kina Direk Mel Chionglo, Joel Lamangan, Romy Suzara at Elwood Perez. Maricel Soriano ang kay Maryo J. de los Reyes. Sharon Cuneta for Chito Roño at “Segurista”para kay Tikoy Aguiluz. Inamin ng master director na si Tikoy na hindi pa tapos ang indie film niyang “Eman”. Pipilitin raw niyang tapusin para makahabol sa playdate.
Nagkaroon din ng financial problem si Direk Romy, kulang ang P1.5-M na budget na ibinigay ng FDCP’s Sineng Pambansa. Ilang beses din siya nagpapalit-palit ng casting. Ang original cast dapat ay sina Hayden Kho, Mark Gil at Solenn Heussaff. Dahil nga hindi agad nasunod ang date schedule na dapat silang mag-shoot, nag-backout ang mga ito. May mga TV/ movie project silang nasagutan kaya’t hindi nila nagawa ang indie film ng controversial director. Hanggang sina Ricardo Cepeda, Lemuel Pelayo at Alexis Navarro ang naging main cast.
Maging ang film na “Otso” ni Direk Elwood ay nagkaroon din ng pagbabago sa cast. Amalia Fuentes at Vangie Labalan ang nasa original cast. Biglang pinalitan ng stage actor/writer na si Vince Tanada na siya ring sumulat ng script ng pelikula niya. Sa kanya tatakbo ang story, bida na siya sa comebacking film ni Direk Elwood. “Hindi ko akalain na mabibigyan ako ng break ni Direk Elwood para maging bida sa movie. Ako na ‘yung gaganap na bida as a writer sa movie namin. Sobrang proud ako dahil napasama ako sa film ng all masters,” excited na sabi ng actor/writer.
Maging si Jun Urbano na kasama sana sa all masters ay nag-backout sa NFF 2013 dahil sa kakulangan din ng budget at problema sa script. Hindi raw agad natapos ni Vince Tanada ang script nito dahil pareho silang artista ni Elwood Perez. Mas minabuti raw ng magaling na director na huwag na siyang sumali sa NFF kaysa mangarag sa playdate.
Ang “Lihis” (Jake Cuenca, Joem Bascom at Lovi Poe) ni Direk Joel at ang “Sonata” (Cherie Gil) ni Direk Peque ang most applauded nang gabing ‘yun. Congrats to all master directors at FDCP’s Sineng Pambansa.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield