MASUWERTE ANG baguhang actor na si Arjo Atayde dahil dalawang nominasyon ang kanyang nakuha sa darating na Philippine Movie Press Club (PMPC) 26th Star Awards for TV as Best New Male TV Personality at Best Single Performance By an Actor na gaganapin sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University sa November 18, 2012. Telecast ito Kapamilya Network’s Sunday’s Best sa November 25, 2012. Ang 2 nominasyon ni Arjo ay para sa maga-ling nitong performance sa Maalaala Mo Kaya (MMK) “Bangka” episode.
Makakalaban ni Arjo sa Best New Male TV Personality sina Harvey Bautista (Goin’ Bulilit), Khalil Ramos (Princess and I), Kiko Estrada (Tween Hearts), Michael Pa-
ngilinan (Walang Tulugan With The Master Showman), Richard Yap (My Binondo Girl), Slater Young (Wansapanataym: Magic Shoes).
Habang sina Gerald Anderson (MMK: Jacket), JM De Guzman (MMK: Balot), Noni Buencamino (MMK: Sapatos), Philip Salvador (MMK: Ensaymada), Piolo Pascual (MMK: Traysikel), at Robin Padilla (MMK: Kuweba) ang makakalaban nito sa kategor-yang Best Single Performance By an Actor.
Marami nga ang nakapansin na namana ni Arjo ang kanyang galing sa pag-arte sa kanyang inang si Ms. Sylvia Sanchez na isa sa pinakamahusay na aktres sa bansa at katulad ni Arjo ay nominado rin sa Star Awards para sa kategoryang Best Single Performance By an Actress sa mahusay nitong pagganap sa MMK ‘Aswang’ episode.
LABAS NA sa YouTube ang MTV ng kauna-unahang single ng Tweenstar na si Teejay Marquez na ‘Angel In The Sky’ na composition ng dating actor/commercial model at producer na si Robby Tarroza na unang nakita at napakinggan sa Walang Tulugan With The Master Showman, kung saan regular teen co-host ni Kuya German Moreno si Teejay.
Tsika nga ni Teejay nang makausap namin sa Rescuederm Clinic, aminado siya na hindi siya singer, pero kahit papaano naman daw ay nakakakanta siya.
“Alam ko naman po na hindi ako talaga singer, pero nakakanta naman ako at tumatama naman sa tono ang boses ko,” pagbibiro ng GMA Tweenstar.
“Pero walang halong biro po, gusto ko talagang kumanta, pero hindi ako ganoon kagaling kumanta. Kaya nga nu’ng inalok ako ni Sir Robby na kantahin ang isa sa kanyang composition, sinabi ko sa kanya na hindi ako singer. Pero sabi niya, try ko raw kantahin ‘yung ginawa niyang kanta.
“Kaya sabi ko sa sarili ko, try lang naman, at naniniwala ako sa kasabihang ‘no harm in trying’ hahaha! Kaya pina-kinggan ko ‘yung composition niya at nagustuhan ko at sinabi ko sa kanya na sige try ko.
“After ng recording, si-nabihan ako ni Sir Robby na gawan daw namin ng video, at ‘yun ‘yung kinanta ko nang mag-celebrate ako ng birthday ko sa Master Showman, at nu’ng sumunod na linggo, ipinalabas naman ‘yung MTV.
“Biro ko nga sa mga nagtatanong kung magko-concentrate na ako sa pagkanta, ang sinasabi ko, nakikisabay lang ako sa uso. Hahaha! Mostly kasi ngayon ng mga Tweens may kanya-kanyang album, like sina Bea Binene, Jake Vargas, tapos balita ko magkakaroon din ng album si Derrick Monasterio, Kristoffer Martin at Barbie Forteza.
“Tapos sa kabilang TV network, may album din sina Daniel Padilla at Khalil Ramos, kaya sabi ko, nakiuso rin ako, hahaha!
“Nakakatuwa, kasi marami ang nagkakagusto du’n sa song na gawa sa akin ni Sir Robby. Gusto rin nila ‘yung concept ng MTV ko. Kaya naman masarap sa pakiramdam at nawala talaga ‘yung pagod at hirap ng recording ng kanta ko at shooting namin ng MTV.” Patapos na pahayag ni Teejay.
John’s Point
by John Fontanilla