Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ng “Ganado Classics: 3 Decade Jersey Collection” noong nakaraang taon, panibagong jersey collection ang siguradong aabangan ng milyon-milyong die-hard fans ng Barangay Ginebra San Miguel – ang Limited Edition “Ginebra Ako” Jersey Collection.
Kasabay ng pinakabagong kampanya ng GSMI na “Ginebra Ako”, inilunsad ang mga nasabing jersey upang bigyang pugay ang “Never Say Die” spirit na nagpasikat at nagpakilala sa buong Barangay Ginebra.
Pero bukod dito, binibigyang diin ng “Ginebra Ako” jersey ang kahulugan ng pagiging taga-Ginebra – determinado, masikap at matatag, mga katangiang taglay ng sinumang magsusuot nito, mapamanlalaro man o taga-suporta.
Mayroong limang collectible jersey designs na maaaring pagpilian: Japeth Aguilar 25, Scottie Thompson 6, L.A. Tenorio 5, Greg Slaughter 20 at Mark Caguioa 47. Ang limited edition jerseys na ito ang siya ring isusuot ng Barangay Ginebra San Miguel sa darating na PBA Commissioner’s Cup simula sa Abril.
Ilan sa mga katangi-tanging disenyong nakalagay sa jersey ay ang mga katagang “Ginebra Ako”; apat na bituin, na palatandaan ng apat na dekadang pamamalagi ng Ginebra San Miguel sa PBA; at ang crown, na nagpapakita ng paghahari ng team pagdating sa basketball at Ginebra San Miguel sa industriya ng hard liquor (matapos italagang undisputed no. 1 selling gin in the world).
Mayroong tatlong markang nagpapatunay na orihinal ang jersey. Una, ang Ginebra San Miguel Tag. Ang kilalang tatak Ginebra San Miguel ay ginamit na tag sa bawat jersey upang ipakita ang mayamang kasaysayan na nirerepresenta ng basketball team sa ating produkto. Ikalawa, ang Patch of Authencity na may embroidered signature ng pinakamatagumpay na coach sa kasaysayan ng PBA na si Tim Cone. Nagpapatunay ito na ang jersey ay 100% authentic. Ikatlo, ang “Never Say Die” Patch. Ang markang ito ay nakalagay sa likod ng bawat jersey na kumakatawan sa katatagan ng koponan.
Upang magkaroon ng sarili mong 2018 Limited Edition Ginebra Ako Jersey Collection, bumili at mangolekta ng anim na selyo ng Ginebra San Miguel o Vino Kulafu, o apat na takip ng alinman sa GSM Blue o GSM Blue Flavors, Primera Light Brandy o GSM Premium Gin. Magdagdag lamang ng 100 pesos at makukuha mo na ang “Ginebra Ako” jersey sa partner redemption outlets nationwide. Ang promo ay magsisimula sa ika-15 ng Abril at magtatapos sa ika-15 ng Hunyo.
Hindi lang mga fans kundi maging mga basketball player aspirants din ang tiyak na mapapasaya ng mga nasabing jersey dahil ito rin ang isusuot ng mga maglalaro sa paparating na Ginebra San Miguel 3-on-3 Tournament, kung saan may labing-anim (16) na koponan ang maglalaban mula sa labing-anim (16) na probinsiya upang maging susunod na kampeon ng 3-on-3 Tournament.
Kasabay ang 3-on-3 Tournament, ang sports advocate na si Mike Swift na kilala bilang “Mr. Pinoy Hoops” kasama ang kanyang team, ay magpipinta sa bawat court ng mga murals na naglalarawan sa “Ginebra Ako”. Ang Ginebra San Miguel 3-on-3 Tournament ay gagawin sa pakikipagtulungan sa Philippine Basketball Association (PBA).
Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa 2018 Limited Edition Ginebra Ako Jersey Collection promo, bisitahin ang website www.ginebra.com.ph, i-like ang official Facebook page ng Ginebra San Miguel www.facebook.com/barangayginebra, o tumawag sa customer care hotline 632-2564.
Ang GSMI ang manufacturer ng Ginebra San Miguel, ang nangungunang gin sa mundo, at iba pang dekalidad na mga produkto tulad ng Vino Kulafu, Ginebra San Miguel Premium Gin, GSM Blue, GSM Blue Flavors, Antonov Vodka at Primera Light Brandy.