Kakatapos lang tanghalin ang mga nanalo sa Cinemalaya Cinco International Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines. Masasabi na matagumpay ang sampung araw na pagdiriwang na ito dahil umabot sa higit kumulang 38,000 na manonood ang dumagsa para matunghayan ang ilan sa magagandang indie films para sa taong ito. Sina Ricky Davao at Eugene Domingo ang hosts ng programa.
Ang pelikulang Astig at Dinig Sana Kita ang umani ng maraming parangal. Ang Last Supper No. 3 ang nanalong Best Film. Ang beteranong aktor na si Lou Veloso ang itinanghal na Best Actor dahil sa natatanging pagganap bilang isang ex-convict sa Colorum at si Ina Feleo naman ang kinilalang Best Actress para sa pelikulang Sanglaan. Ito na ang ikalawang beses ng aktres na manalo bilang Best Actress sa Cinemalaya. Si Arnold Reyes ng Astig ang kinilalang Best Supporting Actor at si Tessie Tomas naman ang Best Supporting Actress para sa Sanglaan.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo ngayong taon sa Cinemalaya 2009. Congratulations!
A. FULL LENGTH CATEGORY
Best Film: Last Supper No. 3
Special Jury Prize: Ang Panggagahasa kay Fe/Colorum
Audience Choice (Full Length): Dinig Sana Kita
National Council for Children’s Television Award: Dinig Sana Kita
NETPAC Award: Baseco Bakal Boys
Best Actor: Lou Veloso (Colorum)
Best Actress: Ina Feleo (Sanglaan)
Best Director: GB Sampedro (Astig)
Best Supporting Actor: Arnold Reyes (Astig)
Best Screenplay: Vic Acedillo Jr. (Nerseri)
Best Cinematography: Pao Orendain (24K)
Best Production Design: Benjamin Padero (Mangatyanan)
Best Editing: Charliebebs Gohetia (Astig)
Best Original Music Score: Francisbrew Reyes (Dinig Sana Kita)
Best Sound: Ditoy Aguila, Junnel Valencia and Mark Locsin (Astig)
B. SHORT FEATURE CATEGORY
Best Film: Bonsai
Special Jury Award: Blogog
Best Director: Dexter Cayanes (Musa)
Best Screenplay: Mark Philipp Espina (Behind Closed Doors)