BLIND ITEM: HINDI lang online casino. Ang “in” sa mga young actors ngayon (lalo na sa mga hindi busy) ay ang poker. Pero siyempre, sabihin n’yo nang pawanha-one hundred lang ang tayaan, ‘pag napapasarap ka ng upo, aabutin din ng malaki.
Ang problema, pa’no pag wala nang pang-poker?
‘Pag walang pang-poker, papahanap sa booker.
Ha-ha-ha!
Nauna nang nai-blind item natin sina RP, AJ at DC. Isa sa mga araw na ito, malolokah kayo ‘pag nalaman n’yo kung sinu-sino pa ang madadagdag sa ating listahan.
As we always say, kung hirap sa buhay kasi nga, walang project at kailangang makahugot ng pera para matustusan ang mga pangangailangan, maiintindihan namin.
Pero kung “magpapahada” ka, dahil meron kang “bisyong” gusto mong i-sustain kahit dapang-dapa ka na, parang hindi mo na yata nirerespeto ang sarili mo.
Gusto na lang naming isiping kesa magnakaw, eh, ‘di ipanakaw na lang ang kanilang lakas sa “mapagkakasunduang presyo.”
Alam na namin ang venue ng kanilang “pokeran” at malapit din doon ang kanilang “bookeran.”
Magka-rhyme, huh!
SA KANYANG TWEET, napasigaw siguro sa tuwa si Dra. Vicki Belo sa kanyang tinanggap na balita. Mga 2:45 pm kahapon, ‘eto ang kanyang tweet: “Yehey! Irene Kho won the libel case Katrina Halili filed against her in Cavite. God is good!”
Sa mga hindi nakakaalam, idinemanda ng libel ni Katrina ang nanay ni Hayden Kho, dahil sa mga paratang at masasakit nitong salita na lumabas noon sa mga diyaryo at news program.
Hindi lang namin alam kung magsasampa ng motion for reconsideration ang kampo ni Katrina. So sa ngayon, shall we say: “Congrats, Doc!”?
At siyempre, may isa pang sumunod si Dr. Belo: “Just finished having my Ulthera. I look 10 years younger. My face is firm and smaller.”
Makapag-Ulthera nga sa Belo Medical Group, hmph!
“PILIPINAS WIN NA Win Thundercats Edition sa Monday na!”
Ha-ha-ha! Gagah talaga ‘tong si Direk Willy Cuevas. Puma-punchline sa Twitter, kaya kung minsan, napapaaway ang kaibigan naming ito. Hindi niya kasi puwedeng i-compromise kung ano ‘yung nararamdaman niya, eh.
Tulad ng isang dayalog niya ng, “Ang pagmamahal ko kay Kris Aquino ay walang expiration!”
Si Direk Willy Cuevas ay nasa creative ng PWNW at siya rin ang nasa likod ng pagpapatawa ng Banana Split.
Kung babasahin namin ang nais niyang ipakahulugan, hindi siya sang-ayon na sina Marco Sison, Nonoy Zuniga, Rey Valera at Rico Puno ang pumalit sa magla-last day today na si Kris Aquino.
Pero malay naman natin, baka maka-jackpot ang mga “thundercats,”’ di ba? Let’s give them the chance. Pero kung hindi pa rin click, ang naiisip naming pupuwedeng bumagay roon ay si Ai-Ai delas Alas at isang lalaking host.
Si Ai-Ai ay palatawa at mahilig ding pumanch-line, kaya baka kerihin. Medyo ingat lang kay Rico Puno, dahil kahit magaling ang lolo n’yo, sobrang green naman.
Antabayanan natin.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn with Rommel Placente, Ms. F at Francis Simeon.
Oh My G!
by Ogie Diaz